Surah Al-Anaam Ayahs #150 Translated in Filipino
وَعَلَى الَّذِينَ هَادُوا حَرَّمْنَا كُلَّ ذِي ظُفُرٍ ۖ وَمِنَ الْبَقَرِ وَالْغَنَمِ حَرَّمْنَا عَلَيْهِمْ شُحُومَهُمَا إِلَّا مَا حَمَلَتْ ظُهُورُهُمَا أَوِ الْحَوَايَا أَوْ مَا اخْتَلَطَ بِعَظْمٍ ۚ ذَٰلِكَ جَزَيْنَاهُمْ بِبَغْيِهِمْ ۖ وَإِنَّا لَصَادِقُونَ
At sa kanila na mga Hudyo (na sumusunod sa Batas), Aming ipinagbawal ang bawat (hayop) na walang hati ang mga kuko, at ipinagbawal Namin sa kanila ang taba (mantika) ng kinapong baka at ng tupa, maliban sa nakakapit sa kanilang likod o sa kanilang lamang loob, o ang nakahalo sa buto. Sa ganito Namin binayaran sila sa kanilang paghihimagsik (sa paggawa ng mga krimen katulad ng pagpatay sa mga Propeta, pagpapatubo [ng pera], atbp.). At tunay na Kami ay Makatotohanan (Matapat)
فَإِنْ كَذَّبُوكَ فَقُلْ رَبُّكُمْ ذُو رَحْمَةٍ وَاسِعَةٍ وَلَا يُرَدُّ بَأْسُهُ عَنِ الْقَوْمِ الْمُجْرِمِينَ
At kung sila (na mga Hudyo) ay magpabulaan sa iyo (o Muhammad), iyong ipagbadya: “Ang inyong Panginoon ang Nagmamay-ari ng Malawak na Habag, at hindi kailanman ang Kanyang poot ay magbabawa sa mga tao na Mujrimun (mga kriminal, pagano, makasalanan, buktot, tampalasan, atbp)
سَيَقُولُ الَّذِينَ أَشْرَكُوا لَوْ شَاءَ اللَّهُ مَا أَشْرَكْنَا وَلَا آبَاؤُنَا وَلَا حَرَّمْنَا مِنْ شَيْءٍ ۚ كَذَٰلِكَ كَذَّبَ الَّذِينَ مِنْ قَبْلِهِمْ حَتَّىٰ ذَاقُوا بَأْسَنَا ۗ قُلْ هَلْ عِنْدَكُمْ مِنْ عِلْمٍ فَتُخْرِجُوهُ لَنَا ۖ إِنْ تَتَّبِعُونَ إِلَّا الظَّنَّ وَإِنْ أَنْتُمْ إِلَّا تَخْرُصُونَ
Sila na nag-aakibat ng mga katambal (sa pagsamba) kay Allah ay nagsasabi: “Kung ninais lamang ni Allah, kami sana ay hindi mag-aakibat ng mga katambal (sa pagsamba) sa Kanya, gayundin ang aming mga ninuno, at kami ay hindi magbabawal ng anumang bagay (na laban sa Kanyang Kalooban).” Sa gayon din nagpasinungaling ang mga nangauna sa kanila, (sila ay nakipagtalo ng walang katotohanan sa mga Tagapagbalita ni Allah), hanggang sa kanilang matikman ang Aming Poot. Ipagbadya: “Mayroon baga kayong kaalaman (katibayan) na inyong maipamamalas sa Aming harapan? Katotohanang wala kayong sinusunod kundi mga sapantaha at wala kayong ginagawa kundi kasinungalingan (lamang)
قُلْ فَلِلَّهِ الْحُجَّةُ الْبَالِغَةُ ۖ فَلَوْ شَاءَ لَهَدَاكُمْ أَجْمَعِينَ
Ipagbadya: “Na kay Allah ang lantay na Katibayan at pangangatwiran, (alalaong baga, ang Kaisahan ni Allah, ang pagsusugo ng Kanyang mga Tagapagbalita at Kanyang mga Banal na Aklat, atbp. sa sangkatauhan); kung Kanyang ninais lamang, katotohanang kayo ay mapapatnubayan Niyang lahat.”
قُلْ هَلُمَّ شُهَدَاءَكُمُ الَّذِينَ يَشْهَدُونَ أَنَّ اللَّهَ حَرَّمَ هَٰذَا ۖ فَإِنْ شَهِدُوا فَلَا تَشْهَدْ مَعَهُمْ ۚ وَلَا تَتَّبِعْ أَهْوَاءَ الَّذِينَ كَذَّبُوا بِآيَاتِنَا وَالَّذِينَ لَا يُؤْمِنُونَ بِالْآخِرَةِ وَهُمْ بِرَبِّهِمْ يَعْدِلُونَ
Ipagbadya: “Itanghal ninyo sa harapan ang inyong mga saksi na makakapagpatotoo na ito ay ipinagbawal ni Allah. At kung sila ay magpatotoo, huwag kang sumaksi (o Muhammad) sa kanila. At hindi marapat na ikaw ay sumunod sa walang kabuluhan nilang pagnanasa na nagtuturing sa Aming Ayat (mga katibayan, aral, kapahayagan,tanda,atbp.)bilangkabulaanan,atsilanahindi nananalig sa Kabilang Buhay, at tinatangkilik nila ang iba pa bilang kapantay (sa pagsamba) sa kanilang Panginoon.”
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
