Surah Fussilat Translated in Filipino
تَنْزِيلٌ مِنَ الرَّحْمَٰنِ الرَّحِيمِ
Isang kapahayagan mula kay Allah, ang Pinakamapagpala, ang Pinakamaawain
كِتَابٌ فُصِّلَتْ آيَاتُهُ قُرْآنًا عَرَبِيًّا لِقَوْمٍ يَعْلَمُونَ
Isang Aklat, na ang mga talata ay ipinaliwanag nang puspusan. Isang Qur’an sa (wikang) Arabik para sa mga tao na may pang-unawa
بَشِيرًا وَنَذِيرًا فَأَعْرَضَ أَكْثَرُهُمْ فَهُمْ لَا يَسْمَعُونَ
Na nagbibigay ng Magandang Balita (ng Paraiso sa mga nananalig sa Kaisahan ni Allah at sa Islam) at Babala (ng kaparusahan sa Apoy ng Impiyerno sa mga hindi nananalig sa Kaisahan ni Allah); datapuwa’t ang karamihan sa kanila ay lumalayo, kaya’t sila ay hindi nakakarinig
وَقَالُوا قُلُوبُنَا فِي أَكِنَّةٍ مِمَّا تَدْعُونَا إِلَيْهِ وَفِي آذَانِنَا وَقْرٌ وَمِنْ بَيْنِنَا وَبَيْنِكَ حِجَابٌ فَاعْمَلْ إِنَّنَا عَامِلُونَ
Sila ay nagsasabi: “Ang aming puso ay natatakpan hinggil sa mga bagay na kami ay iyong inaanyayahan, at sa aming mga tainga ay kabingihan, at sa pagitan mo at namin ay may isang lambong, kaya’t gawin mo (ang gusto mong gawin) para sa amin, gagawin namin (ang nais naming gawin)
قُلْ إِنَّمَا أَنَا بَشَرٌ مِثْلُكُمْ يُوحَىٰ إِلَيَّ أَنَّمَا إِلَٰهُكُمْ إِلَٰهٌ وَاحِدٌ فَاسْتَقِيمُوا إِلَيْهِ وَاسْتَغْفِرُوهُ ۗ وَوَيْلٌ لِلْمُشْرِكِينَ
Ipagbadya (o Muhammad): “Ako ay isa lamang tao na katulad ninyo. Ito ay ipinahayag sa akin sa inspirasyon na ang inyong Ilah (diyos) ay Isang Ilah (diyos, si Allah), kaya’t tahakin ninyo ang Tuwid na Landas tungo sa Kanya (sa Tunay na Pananalig, sa Islam) at maging masunurin sa Kanya at humingi (kayo) ng Kanyang pagpapatawad.” At kasawian sa Al-Mushrikun (mga pagano, mapagsamba sa mga diyus-diyosan, walang pananalig sa Kaisahan ni Allah, sila na nagtatambal sa pagsamba sa Kanya at nag- aakibat ng karibal sa Kanya)
الَّذِينَ لَا يُؤْتُونَ الزَّكَاةَ وَهُمْ بِالْآخِرَةِ هُمْ كَافِرُونَ
Sila na hindi nagbabayad ng Zakah (pinadalisay na kayamanan na ukol sa katungkulang kawanggawa), at nagtatatwa sa Kabilang Buhay
إِنَّ الَّذِينَ آمَنُوا وَعَمِلُوا الصَّالِحَاتِ لَهُمْ أَجْرٌ غَيْرُ مَمْنُونٍ
Katotohanan, sila na sumasampalataya (sa Kaisahan ni Allah at sa Kanyang Tagapagbalita) at gumagawa ng katuwiran ay mayroong gantimpala na hindi magmamaliw (sa Paraiso)
قُلْ أَئِنَّكُمْ لَتَكْفُرُونَ بِالَّذِي خَلَقَ الْأَرْضَ فِي يَوْمَيْنِ وَتَجْعَلُونَ لَهُ أَنْدَادًا ۚ ذَٰلِكَ رَبُّ الْعَالَمِينَ
Ipagbadya (o Muhammad): “Tunay bang hindi kayo sumasampalataya sa Kanya na lumikha ng kalupaan sa dalawang Araw? At kayo ay nagtindig ng mga katambal (sa pagsamba) sa Kanya? Siya ang Panginoon ng lahat ng mga nilalang
وَجَعَلَ فِيهَا رَوَاسِيَ مِنْ فَوْقِهَا وَبَارَكَ فِيهَا وَقَدَّرَ فِيهَا أَقْوَاتَهَا فِي أَرْبَعَةِ أَيَّامٍ سَوَاءً لِلسَّائِلِينَ
Inilagay Niya (sa kalupaan) ang mga bundok na nakatindig nang matatag sa ibabaw nito, at nagkaloob Siya ng mga biyaya sa kalupaan, at sinukat dito ang laang ikabubuhay (ng mga nananahan) sa apat na Araw (alalaong baga, ang apat na araw na ito ay magkakatulad sa haba ng panahon), para sa lahat ng nagtatanong (tungkol sa pagkalikha nito)
Load More