Quran Apps in many lanuages:

Surah Abasa Translated in Filipino

عَبَسَ وَتَوَلَّىٰ
(Ang Propeta) ay kumunot at lumayo
أَنْ جَاءَهُ الْأَعْمَىٰ
Sapagkat may bulag na lalaki na lumapit sa kanya (at nang-aabala, alalaong baga, si Abdullah bin Umm-Maktum, na pumaroon sa Propeta habang siya ay nangangaral sa isa o ilang pinuno ng Quraish)
وَمَا يُدْرِيكَ لَعَلَّهُ يَزَّكَّىٰ
Datapuwa’t ano ang makakapagsabi sa iyo na baka sakaling siya ay maging dalisay (sa mga kasalanan at umunladsaispiritwalnapang-unawa)
أَوْ يَذَّكَّرُ فَتَنْفَعَهُ الذِّكْرَىٰ
osiyaaytumanggap ng pangaral at ang tagubilin ay maging kapakinabangan sa kanya
أَمَّا مَنِ اسْتَغْنَىٰ
At siya na nag-aakala sa kanyang sarili na siya 940 ay may sariling kasapatan (hindi nangangailangan ng anuman)
فَأَنْتَ لَهُ تَصَدَّىٰ
Sa kanya, ikaw (o Muhammad) ay nag-uukol ng iyong panahon
وَمَا عَلَيْكَ أَلَّا يَزَّكَّىٰ
Ito ay hindi mo pananagutan kung siya ay hindi maging dalisay (sa pananalig at makinabang sa ispiritwal na biyaya; ikaw ay isa lamang Tagapagbalita at ang iyong tungkulin ay iparating ang Mensahe ni Allah)
وَأَمَّا مَنْ جَاءَكَ يَسْعَىٰ
At sa kanya (Abdullah bin Umm-Maktum) na lumapit sa iyo na may pagsusumamo
وَهُوَ يَخْشَىٰ
At may pangangamba (kay Allah sa kanyang puso)
فَأَنْتَ عَنْهُ تَلَهَّىٰ
Ikaw sa kanya ay hindi nagbibigay pahalaga (o nag-aasikaso)
Load More