Quran Apps in many lanuages:

Surah At-Tin Translated in Filipino

وَالتِّينِ وَالزَّيْتُونِ
Sa pamamagitan ng Igos at sa pamamagitan ng oliba
وَطُورِ سِينِينَ
Sa pamamagitan ng Bundok ng Sinai
وَهَٰذَا الْبَلَدِ الْأَمِينِ
At sa pamamagitan ng Lupain ng Kaligtasan (Makkah)
لَقَدْ خَلَقْنَا الْإِنْسَانَ فِي أَحْسَنِ تَقْوِيمٍ
Katotohanang Aming nilikha ang tao sa ganap na anyo (at sukat)
ثُمَّ رَدَدْنَاهُ أَسْفَلَ سَافِلِينَ
At pagkatapos ay Aming ibinaba siya sa pinakamababa sa lahat ng mababa
إِلَّا الَّذِينَ آمَنُوا وَعَمِلُوا الصَّالِحَاتِ فَلَهُمْ أَجْرٌ غَيْرُ مَمْنُونٍ
Maliban sa mga may pananalig (sa Islam at Kaisahan ni Allah) at may matutuwid na gawa, kung gayon, sasakanila ang gantimpala na walang hanggan (Paraiso)
فَمَا يُكَذِّبُكَ بَعْدُ بِالدِّينِ
Kung gayon, ano (o sino) ang nagtulak sa inyo (o mga walang pananampalataya) na itatwa ang Kabayaran (alalaong baga, ang Araw ng Muling Pagkabuhay)
أَلَيْسَ اللَّهُ بِأَحْكَمِ الْحَاكِمِينَ
Hindi baga si Allah ang Pinakamaalam sa lahat ng Hukom