Surah Al-Hujraat Translated in Filipino
يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا لَا تُقَدِّمُوا بَيْنَ يَدَيِ اللَّهِ وَرَسُولِهِ ۖ وَاتَّقُوا اللَّهَ ۚ إِنَّ اللَّهَ سَمِيعٌ عَلِيمٌ
O kayong sumasampalataya! Huwag ninyong gawin ang inyong sarili na manguna sa harapan ni Allah at sa Kanyang Sugo, datapuwa’t pangambahan ninyo si Allah. Katotohanang si Allah ang Ganap na Nakakarinig at Ganap na Nakakabatid sa lahat ng bagay
يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا لَا تَرْفَعُوا أَصْوَاتَكُمْ فَوْقَ صَوْتِ النَّبِيِّ وَلَا تَجْهَرُوا لَهُ بِالْقَوْلِ كَجَهْرِ بَعْضِكُمْ لِبَعْضٍ أَنْ تَحْبَطَ أَعْمَالُكُمْ وَأَنْتُمْ لَا تَشْعُرُونَ
O kayong sumasampalataya! Huwag ninyong itaas ang inyong tinig nang higit sa tinig ng Propeta, at huwag din namang mangusap sa kanya ng malakas na katulad ng inyong pag-uusap sa isa’t isa, baka ang inyong mga gawain ay mawalan ng saysay habang ito ay hindi ninyo napag-aakala
إِنَّ الَّذِينَ يَغُضُّونَ أَصْوَاتَهُمْ عِنْدَ رَسُولِ اللَّهِ أُولَٰئِكَ الَّذِينَ امْتَحَنَ اللَّهُ قُلُوبَهُمْ لِلتَّقْوَىٰ ۚ لَهُمْ مَغْفِرَةٌ وَأَجْرٌ عَظِيمٌ
Katotohanan, ang mga nagbababa ng kanilang tinig sa harapan ng Tagapagbalita ni Allah, sila yaong ang mga puso ay nasubok na ni Allah sa kataimtiman at kabanalan. Sasakanila ang Kapatawaran at saganang Gantimpala
إِنَّ الَّذِينَ يُنَادُونَكَ مِنْ وَرَاءِ الْحُجُرَاتِ أَكْثَرُهُمْ لَا يَعْقِلُونَ
Katotohanan, sila na tumatawag sa iyo (O Muhammad) sa likod ng mga nagigitnang silid, ang karamihan sa kanila ay kapos sa pang-unawa
وَلَوْ أَنَّهُمْ صَبَرُوا حَتَّىٰ تَخْرُجَ إِلَيْهِمْ لَكَانَ خَيْرًا لَهُمْ ۚ وَاللَّهُ غَفُورٌ رَحِيمٌ
Kung mayroon lamang silang pagtitiyaga na maghintay hanggang sa sila ay iyong pakiharapan, ito ay higit na mainam sa kanila. At si Allah ay Malimit na Pagpapatawad, ang Pinakamaawain
يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا إِنْ جَاءَكُمْ فَاسِقٌ بِنَبَإٍ فَتَبَيَّنُوا أَنْ تُصِيبُوا قَوْمًا بِجَهَالَةٍ فَتُصْبِحُوا عَلَىٰ مَا فَعَلْتُمْ نَادِمِينَ
O kayong sumasampalataya! Kung ang isang mapaghimagsik at makasalanang tao ay dumatal sa inyo na may hatid na anumang balita, inyong tiyakin ang katotohanan, baka kayo ay makapinsala sa inyong kapwa nang hindi ninyo sinasadya, at sa bandang huli ay matigib kayo sa pagsisisi sa inyong nagawa
وَاعْلَمُوا أَنَّ فِيكُمْ رَسُولَ اللَّهِ ۚ لَوْ يُطِيعُكُمْ فِي كَثِيرٍ مِنَ الْأَمْرِ لَعَنِتُّمْ وَلَٰكِنَّ اللَّهَ حَبَّبَ إِلَيْكُمُ الْإِيمَانَ وَزَيَّنَهُ فِي قُلُوبِكُمْ وَكَرَّهَ إِلَيْكُمُ الْكُفْرَ وَالْفُسُوقَ وَالْعِصْيَانَ ۚ أُولَٰئِكَ هُمُ الرَّاشِدُونَ
At inyong maalaman na sa lipon ninyo ay naroroon ang Tagapagbalita ni Allah. Kung kayo ay kanyang susundin sa maraming mga bagay- bagay (alalaong baga, sa inyong mga kuru-kuro at hangarin), katiyakang kayo ay malalagay sa kaguluhan. Datapuwa’t si Allah ang nagtanim ng pananalig sa inyo, at ginawa Niya ito na maganda sa inyong puso, at ginawa Niya na inyong kamuhian ang kawalan ng pananalig, ang kabuktutan at paghihimagsik at hindi pagsunod (kay Allah at sa Kanyang Tagapagbalita). Sila sa katotohanan ang mga tumatahak sa kabutihan
فَضْلًا مِنَ اللَّهِ وَنِعْمَةً ۚ وَاللَّهُ عَلِيمٌ حَكِيمٌ
Isang biyaya at gantimpala mula kay Allah, at si Allah ay Tigib ng Kaalaman at Puspos ng Karunungan
وَإِنْ طَائِفَتَانِ مِنَ الْمُؤْمِنِينَ اقْتَتَلُوا فَأَصْلِحُوا بَيْنَهُمَا ۖ فَإِنْ بَغَتْ إِحْدَاهُمَا عَلَى الْأُخْرَىٰ فَقَاتِلُوا الَّتِي تَبْغِي حَتَّىٰ تَفِيءَ إِلَىٰ أَمْرِ اللَّهِ ۚ فَإِنْ فَاءَتْ فَأَصْلِحُوا بَيْنَهُمَا بِالْعَدْلِ وَأَقْسِطُوا ۖ إِنَّ اللَّهَ يُحِبُّ الْمُقْسِطِينَ
At kung ang dalawang pangkat sa lipon ng mga sumasampalataya ay humantong sa isang tunggalian, kung gayon, payapain ninyo sila sa isa’t isa, datapuwa’t kung ang isa sa kanila ay lumampas sa hangganan ng pagmamalabis laban sa isa, kung gayon, inyong labanan ang nagmamalabis hanggang sa sila ay makasunod sa ipinag-uutos ni Allah. Subali’t kung sila ay sumunod, kung gayon, kayo ay makipag-unawaan sa kanila ng may katarungan at maging pantay sa katarungan, sapagkat katotohanang si Allah ay nagmamahal sa kanila na makatarungan
إِنَّمَا الْمُؤْمِنُونَ إِخْوَةٌ فَأَصْلِحُوا بَيْنَ أَخَوَيْكُمْ ۚ وَاتَّقُوا اللَّهَ لَعَلَّكُمْ تُرْحَمُونَ
Katotohanan, ang mga sumasampalataya ay wala ng iba maliban na isang pagkakapatiran (sa Pananampalatayang Islam), kaya’t makipagpayapaan at makipag-unawaan sa pagitan ng inyong nagtutunggaliang mga kapatid, at pangambahan ninyo si Allah upang kayo ay magkamit ng Habag
Load More