Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Waqia Translated in Filipino

إِذَا وَقَعَتِ الْوَاقِعَةُ
Kung ang Pangyayari na hindi maiiwasan (alalaong baga, ang Araw ng Muling Pagkabuhay) ay dumatal na
لَيْسَ لِوَقْعَتِهَا كَاذِبَةٌ
Na walang (kaluluwa) ang makapagtatatwa tungkol sa pagdatal nito
خَافِضَةٌ رَافِعَةٌ
Na ito ay magpapababa (sa ilan) at magtataas naman (sa iba)
إِذَا رُجَّتِ الْأَرْضُ رَجًّا
Kung ang kalupaan ay makalog sa kanyang kailaliman
وَبُسَّتِ الْجِبَالُ بَسًّا
Kung ang kabundukan ay gumulong at madurog
فَكَانَتْ هَبَاءً مُنْبَثًّا
At ito ay maging alabok na nagsisipangalat
وَكُنْتُمْ أَزْوَاجًا ثَلَاثَةً
At kayong (lahat) ay pagbubukod-bukurin sa tatlong uri (alalaong baga, sa tatlong pangkat)
فَأَصْحَابُ الْمَيْمَنَةِ مَا أَصْحَابُ الْمَيْمَنَةِ
(Ang una), ay mga kasamahan ng Kanang Kamay (alalaong baga, sila na bibigyan ng kanilang Talaan sa kanilang kanang kamay), - Sino baga sila na nasa Kanang Kamay (bilang paggalang sa kanila sapagkat sila ay papasok sa Paraiso)
وَأَصْحَابُ الْمَشْأَمَةِ مَا أَصْحَابُ الْمَشْأَمَةِ
(At ang sumunod ) ay mga Kasamahan ng Kaliwang Kamay (alalaong baga, sila na bibigyan ng kanilang Talaan sa kanilang kaliwang kamay), - Sino baga sila na nasa Kaliwang Kamay (bilang kahihiyan sa kanila sapagkat sila ay papasok sa Impiyerno)
وَالسَّابِقُونَ السَّابِقُونَ
(At pangatlo) ang Pinakapangunahin (sa pagiging matimtiman sa Pananalig sa Islam at paniniwala sa Kaisahan ni Allah at gumagawa ng lahat ng mga pagsunod kay Allah at sa Kanyang Tagapagbalita), ay magiging tampok (sa Paraiso)
Load More