Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Jinn Translated in Filipino

قُلْ أُوحِيَ إِلَيَّ أَنَّهُ اسْتَمَعَ نَفَرٌ مِنَ الْجِنِّ فَقَالُوا إِنَّا سَمِعْنَا قُرْآنًا عَجَبًا
Ipagbadya ( o Muhammad): “Ipinahayag sa akin na ang isang pangkat ng Jinn (na may bilang mula tatlo hanggang sampu) ay nakinig (sa Qur’an).” Sila ay nagsasabi: “Katotohanang aming napakinggan ang isang Maindayog at Kamangha-manghang Pagbigkas (sa Quran)!”
يَهْدِي إِلَى الرُّشْدِ فَآمَنَّا بِهِ ۖ وَلَنْ نُشْرِكَ بِرَبِّنَا أَحَدًا
Na namamatnubay sa Tuwid na Landas (katuwiran at kagalingan), at kami ay sumampalataya rito at hindi kailanman kami ay magtatambal ng anuman (sa pagsamba) sa aming Panginoon (Allah)
وَأَنَّهُ تَعَالَىٰ جَدُّ رَبِّنَا مَا اتَّخَذَ صَاحِبَةً وَلَا وَلَدًا
At ganap na Kaluwalhatian ang Kataasan ng aming Panginoon. Siya (Allah) ay hindi nag-angkin sa Kanyang sarili ng asawa o ng anak (o mga supling o mga anak)
وَأَنَّهُ كَانَ يَقُولُ سَفِيهُنَا عَلَى اللَّهِ شَطَطًا
At ang mga luku- luko (at baliw) sa lipon namin (alalaong baga, si Iblis o ang mga Jinn na mapagsamba sa mga diyus-diyosan) ay nagpapahayag ng kasinungalingan laban kay Allah na hindi nararapat
وَأَنَّا ظَنَنَّا أَنْ لَنْ تَقُولَ الْإِنْسُ وَالْجِنُّ عَلَى اللَّهِ كَذِبًا
Katotohanan! Ang sangkatauhan at mga Jinn ay hindi marapat na magturing ng kasinungalingan laban kay Allah
وَأَنَّهُ كَانَ رِجَالٌ مِنَ الْإِنْسِ يَعُوذُونَ بِرِجَالٍ مِنَ الْجِنِّ فَزَادُوهُمْ رَهَقًا
At katotohanan na may mga tao sa lipon ng sangkatauhan ang nananahan sa matitipunong mga tao sa gitna ng mga Jinn, datapuwa’t sila (Jinn) ay lalong naglulong (sa sangkatauhan) sa kasalanan at kawalan ng pananalig
وَأَنَّهُمْ ظَنُّوا كَمَا ظَنَنْتُمْ أَنْ لَنْ يَبْعَثَ اللَّهُ أَحَدًا
At katotohanang sila ay nag-akala na katulad ng inyong pag-aakala na si Allah ay hindi magsusugo ng sinumang tagapagbalita (sa sangkatauhan at sa Jinn)
وَأَنَّا لَمَسْنَا السَّمَاءَ فَوَجَدْنَاهَا مُلِئَتْ حَرَسًا شَدِيدًا وَشُهُبًا
At ang mga Jinn ay nagsabi: “At kami ay sumilip (sa mga lihim) ng kalangitan, datapuwa’t aming natagpuan na tigib ito ng mga mahihigpit na tagapagbantay at naglalagablab na apoy.”
وَأَنَّا كُنَّا نَقْعُدُ مِنْهَا مَقَاعِدَ لِلسَّمْعِ ۖ فَمَنْ يَسْتَمِعِ الْآنَ يَجِدْ لَهُ شِهَابًا رَصَدًا
At katotohanang kami ay lagi nang nakaupo roon (sa nakukubling lugar) upang (makaulinig) ng mapapakinggan, datapuwa’t sinuman ang nakikinig ngayon ay makakatagpo ng isang naglalagablab na apoy na naghihintay sa kanya upang tambangan
وَأَنَّا لَا نَدْرِي أَشَرٌّ أُرِيدَ بِمَنْ فِي الْأَرْضِ أَمْ أَرَادَ بِهِمْ رَبُّهُمْ رَشَدًا
At hindi namin napag-uunawa kung ang kasamaan (o panganib) ay nakalaan sa lahat ng nasa kalupaan, o kung ang kanilang Panginoon ay nagnanais na sila ay patnubayan sa Tuwid na Landas
Load More