Surah Al-Hujraat Ayahs #12 Translated in Filipino
فَضْلًا مِنَ اللَّهِ وَنِعْمَةً ۚ وَاللَّهُ عَلِيمٌ حَكِيمٌ
Isang biyaya at gantimpala mula kay Allah, at si Allah ay Tigib ng Kaalaman at Puspos ng Karunungan
وَإِنْ طَائِفَتَانِ مِنَ الْمُؤْمِنِينَ اقْتَتَلُوا فَأَصْلِحُوا بَيْنَهُمَا ۖ فَإِنْ بَغَتْ إِحْدَاهُمَا عَلَى الْأُخْرَىٰ فَقَاتِلُوا الَّتِي تَبْغِي حَتَّىٰ تَفِيءَ إِلَىٰ أَمْرِ اللَّهِ ۚ فَإِنْ فَاءَتْ فَأَصْلِحُوا بَيْنَهُمَا بِالْعَدْلِ وَأَقْسِطُوا ۖ إِنَّ اللَّهَ يُحِبُّ الْمُقْسِطِينَ
At kung ang dalawang pangkat sa lipon ng mga sumasampalataya ay humantong sa isang tunggalian, kung gayon, payapain ninyo sila sa isa’t isa, datapuwa’t kung ang isa sa kanila ay lumampas sa hangganan ng pagmamalabis laban sa isa, kung gayon, inyong labanan ang nagmamalabis hanggang sa sila ay makasunod sa ipinag-uutos ni Allah. Subali’t kung sila ay sumunod, kung gayon, kayo ay makipag-unawaan sa kanila ng may katarungan at maging pantay sa katarungan, sapagkat katotohanang si Allah ay nagmamahal sa kanila na makatarungan
إِنَّمَا الْمُؤْمِنُونَ إِخْوَةٌ فَأَصْلِحُوا بَيْنَ أَخَوَيْكُمْ ۚ وَاتَّقُوا اللَّهَ لَعَلَّكُمْ تُرْحَمُونَ
Katotohanan, ang mga sumasampalataya ay wala ng iba maliban na isang pagkakapatiran (sa Pananampalatayang Islam), kaya’t makipagpayapaan at makipag-unawaan sa pagitan ng inyong nagtutunggaliang mga kapatid, at pangambahan ninyo si Allah upang kayo ay magkamit ng Habag
يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا لَا يَسْخَرْ قَوْمٌ مِنْ قَوْمٍ عَسَىٰ أَنْ يَكُونُوا خَيْرًا مِنْهُمْ وَلَا نِسَاءٌ مِنْ نِسَاءٍ عَسَىٰ أَنْ يَكُنَّ خَيْرًا مِنْهُنَّ ۖ وَلَا تَلْمِزُوا أَنْفُسَكُمْ وَلَا تَنَابَزُوا بِالْأَلْقَابِ ۖ بِئْسَ الِاسْمُ الْفُسُوقُ بَعْدَ الْإِيمَانِ ۚ وَمَنْ لَمْ يَتُبْ فَأُولَٰئِكَ هُمُ الظَّالِمُونَ
O kayong sumasampalataya! Huwag hayaan ang isang pangkat sa inyong kalalakihan ay mangutya sa ibang pangkat. Maaaring ang huli ay higit na mainam kaysa sa una at huwag din namang hayaan na ang ilan sa inyong kababaihan ay mangutya sa ibang kababaihan, maaaring ang huli ay higit na mainam kaysa sa una. Gayundin naman, huwag ninyong siraan ang bawat isa, at gayundin, huwag ninyong tawagin ang bawat isa sa nakakasakit na mga palayaw. Tunay namang masama na inyong hiyain ang isang kapatid matapos na siya ay magkaroon ng Pananampalataya (alalaong baga, ang tawagin ang inyong Muslim na kapatid na naging isang matapat na mananampalataya ng: “o makasalanan, o o buktot”, atbp.). At kung sinuman ang hindi magsisi, katotohanang sila ang Zalimun (mga gumagawa ng kamalian, buktot, buhong, atbp)
يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا اجْتَنِبُوا كَثِيرًا مِنَ الظَّنِّ إِنَّ بَعْضَ الظَّنِّ إِثْمٌ ۖ وَلَا تَجَسَّسُوا وَلَا يَغْتَبْ بَعْضُكُمْ بَعْضًا ۚ أَيُحِبُّ أَحَدُكُمْ أَنْ يَأْكُلَ لَحْمَ أَخِيهِ مَيْتًا فَكَرِهْتُمُوهُ ۚ وَاتَّقُوا اللَّهَ ۚ إِنَّ اللَّهَ تَوَّابٌ رَحِيمٌ
o kayong sumasampalataya! Inyong iwasan ang maraming pagdududa, katiyakang ang ilang pagdududa (sa ilang katatayuan) ay mga kasalanan. At huwag kayong manubok, gayundin huwag kayong magpamalas ng panlalait sa bawat isa sa talikuran. Mayroon bang isa sa inyo ang ibig na kumain ng laman ng patay niyang kapatid? Tunay ngang kasusuklaman ninyo ito (kaya’t kamuhian ninyo ang panlalait sa talikuran), datapuwa’t inyong pangambahan si Allah, katotohanang si Allah ang Tanging Isa na tumatanggap ng pagsisisi, ang Pinakamaawain
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
