Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Anaam Ayahs #151 Translated in Filipino

فَإِنْ كَذَّبُوكَ فَقُلْ رَبُّكُمْ ذُو رَحْمَةٍ وَاسِعَةٍ وَلَا يُرَدُّ بَأْسُهُ عَنِ الْقَوْمِ الْمُجْرِمِينَ
At kung sila (na mga Hudyo) ay magpabulaan sa iyo (o Muhammad), iyong ipagbadya: “Ang inyong Panginoon ang Nagmamay-ari ng Malawak na Habag, at hindi kailanman ang Kanyang poot ay magbabawa sa mga tao na Mujrimun (mga kriminal, pagano, makasalanan, buktot, tampalasan, atbp)
سَيَقُولُ الَّذِينَ أَشْرَكُوا لَوْ شَاءَ اللَّهُ مَا أَشْرَكْنَا وَلَا آبَاؤُنَا وَلَا حَرَّمْنَا مِنْ شَيْءٍ ۚ كَذَٰلِكَ كَذَّبَ الَّذِينَ مِنْ قَبْلِهِمْ حَتَّىٰ ذَاقُوا بَأْسَنَا ۗ قُلْ هَلْ عِنْدَكُمْ مِنْ عِلْمٍ فَتُخْرِجُوهُ لَنَا ۖ إِنْ تَتَّبِعُونَ إِلَّا الظَّنَّ وَإِنْ أَنْتُمْ إِلَّا تَخْرُصُونَ
Sila na nag-aakibat ng mga katambal (sa pagsamba) kay Allah ay nagsasabi: “Kung ninais lamang ni Allah, kami sana ay hindi mag-aakibat ng mga katambal (sa pagsamba) sa Kanya, gayundin ang aming mga ninuno, at kami ay hindi magbabawal ng anumang bagay (na laban sa Kanyang Kalooban).” Sa gayon din nagpasinungaling ang mga nangauna sa kanila, (sila ay nakipagtalo ng walang katotohanan sa mga Tagapagbalita ni Allah), hanggang sa kanilang matikman ang Aming Poot. Ipagbadya: “Mayroon baga kayong kaalaman (katibayan) na inyong maipamamalas sa Aming harapan? Katotohanang wala kayong sinusunod kundi mga sapantaha at wala kayong ginagawa kundi kasinungalingan (lamang)
قُلْ فَلِلَّهِ الْحُجَّةُ الْبَالِغَةُ ۖ فَلَوْ شَاءَ لَهَدَاكُمْ أَجْمَعِينَ
Ipagbadya: “Na kay Allah ang lantay na Katibayan at pangangatwiran, (alalaong baga, ang Kaisahan ni Allah, ang pagsusugo ng Kanyang mga Tagapagbalita at Kanyang mga Banal na Aklat, atbp. sa sangkatauhan); kung Kanyang ninais lamang, katotohanang kayo ay mapapatnubayan Niyang lahat.”
قُلْ هَلُمَّ شُهَدَاءَكُمُ الَّذِينَ يَشْهَدُونَ أَنَّ اللَّهَ حَرَّمَ هَٰذَا ۖ فَإِنْ شَهِدُوا فَلَا تَشْهَدْ مَعَهُمْ ۚ وَلَا تَتَّبِعْ أَهْوَاءَ الَّذِينَ كَذَّبُوا بِآيَاتِنَا وَالَّذِينَ لَا يُؤْمِنُونَ بِالْآخِرَةِ وَهُمْ بِرَبِّهِمْ يَعْدِلُونَ
Ipagbadya: “Itanghal ninyo sa harapan ang inyong mga saksi na makakapagpatotoo na ito ay ipinagbawal ni Allah. At kung sila ay magpatotoo, huwag kang sumaksi (o Muhammad) sa kanila. At hindi marapat na ikaw ay sumunod sa walang kabuluhan nilang pagnanasa na nagtuturing sa Aming Ayat (mga katibayan, aral, kapahayagan,tanda,atbp.)bilangkabulaanan,atsilanahindi nananalig sa Kabilang Buhay, at tinatangkilik nila ang iba pa bilang kapantay (sa pagsamba) sa kanilang Panginoon.”
قُلْ تَعَالَوْا أَتْلُ مَا حَرَّمَ رَبُّكُمْ عَلَيْكُمْ ۖ أَلَّا تُشْرِكُوا بِهِ شَيْئًا ۖ وَبِالْوَالِدَيْنِ إِحْسَانًا ۖ وَلَا تَقْتُلُوا أَوْلَادَكُمْ مِنْ إِمْلَاقٍ ۖ نَحْنُ نَرْزُقُكُمْ وَإِيَّاهُمْ ۖ وَلَا تَقْرَبُوا الْفَوَاحِشَ مَا ظَهَرَ مِنْهَا وَمَا بَطَنَ ۖ وَلَا تَقْتُلُوا النَّفْسَ الَّتِي حَرَّمَ اللَّهُ إِلَّا بِالْحَقِّ ۚ ذَٰلِكُمْ وَصَّاكُمْ بِهِ لَعَلَّكُمْ تَعْقِلُونَ
Ipagbadya (o Muhammad): “Magsiparito kayo, aking dadalitin (sa inyo) kung ano ang hindi ipinahihintulot ni Allah sa inyo; huwag kayong magtambal ng anupaman sa pagsamba sa Kanya; maging mabuti at masunurin sa inyong mga magulang; huwag ninyong patayin ang inyong mga anak dahilan sa kahirapan, - Kami ay nagkakaloob ng ikabubuhay nila at ninyo; huwag kayong lumapit sa kahiya- hiyang kasalanan (ilegal [o bawal] na pakikipagtalik, atbp.), kahit na ito ay ginawa nang lantad o lingid, at huwag ninyong patayin ang sinuman na ipinagbawal ni Allah, maliban kung ito ay sa makatarungang dahilan (na ayon sa Batas Islamiko). Ito ay Kanyang ipinag-utos sa inyo upang kayo ay makaunawa.”

Choose other languages: