Surah An-Nisa Ayahs #145 Translated in Filipino
الَّذِينَ يَتَرَبَّصُونَ بِكُمْ فَإِنْ كَانَ لَكُمْ فَتْحٌ مِنَ اللَّهِ قَالُوا أَلَمْ نَكُنْ مَعَكُمْ وَإِنْ كَانَ لِلْكَافِرِينَ نَصِيبٌ قَالُوا أَلَمْ نَسْتَحْوِذْ عَلَيْكُمْ وَنَمْنَعْكُمْ مِنَ الْمُؤْمِنِينَ ۚ فَاللَّهُ يَحْكُمُ بَيْنَكُمْ يَوْمَ الْقِيَامَةِ ۗ وَلَنْ يَجْعَلَ اللَّهُ لِلْكَافِرِينَ عَلَى الْمُؤْمِنِينَ سَبِيلًا
Ang (mga mapagkunwari) na naghihintay at nagmamatyag sa inyo; kung kayo ay makapagtamasa ng tagumpay mula kay Allah, sila ay nagsasabi: “Hindi baga kami ay nasa panig ninyo?”, datapuwa’t kung ang mga hindi sumasampalataya ay nakapagwagi ng tagumpay, sila ay nagsasabi (sa kanila): “Hindi baga kami ay higit na maalam sa inyo at hindi baga namin pinangalagaan kayo sa mga sumasampalataya?” Si Allah ang hahatol sa pagitan ninyong (lahat) sa Araw ng Muling Pagkabuhay. At hindi kailanman ipagkakaloob ni Allah sa mga hindi sumasampalataya ang paraan (upang makapagwagi) laban sa mga sumasampalataya
إِنَّ الْمُنَافِقِينَ يُخَادِعُونَ اللَّهَ وَهُوَ خَادِعُهُمْ وَإِذَا قَامُوا إِلَى الصَّلَاةِ قَامُوا كُسَالَىٰ يُرَاءُونَ النَّاسَ وَلَا يَذْكُرُونَ اللَّهَ إِلَّا قَلِيلًا
Katotohanan, ang mga mapagkunwari ay naghahangad na linlangin si Allah, datapuwa’t Siya ang lilinlang sa kanila. At kung sila ay magsitindig na sa pagdarasal, sila ay tumitindig ng may katamaran at upang mamalas lamang ng mga tao, at hindi nila naaala-ala si Allah maliban sa katiting lamang
مُذَبْذَبِينَ بَيْنَ ذَٰلِكَ لَا إِلَىٰ هَٰؤُلَاءِ وَلَا إِلَىٰ هَٰؤُلَاءِ ۚ وَمَنْ يُضْلِلِ اللَّهُ فَلَنْ تَجِدَ لَهُ سَبِيلًا
(Sila) ay nag-uurong sulong sa pagitan nito (at niyaon), at hindi nabibilang sa alinman sa mga ito o sa mga yaon, at sinuman ang hayaan ni Allah na mapaligaw, kayo ay hindi makakatagpo para sa kanya ng daan (upang tumakas)
يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا لَا تَتَّخِذُوا الْكَافِرِينَ أَوْلِيَاءَ مِنْ دُونِ الْمُؤْمِنِينَ ۚ أَتُرِيدُونَ أَنْ تَجْعَلُوا لِلَّهِ عَلَيْكُمْ سُلْطَانًا مُبِينًا
O kayong nagsisisampalataya! Huwag ninyong tangkilikin bilang Auliya (mga tagapangalaga o kawaksi o kaibigan) ang mga hindi sumasampalataya sa halip ng mga sumasampalataya. Nais ba ninyong ihandog kay Allah ang isang nagliliwanag na katibayan laban sa inyong sarili
إِنَّ الْمُنَافِقِينَ فِي الدَّرْكِ الْأَسْفَلِ مِنَ النَّارِ وَلَنْ تَجِدَ لَهُمْ نَصِيرًا
Katotohanan, ang mga mapagkunwari ay mapapasakailaliman (ng antas) ng Apoy; walang sinumang kawaksi ang inyong matatagpuan para sa kanila
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
