Quran Apps in many lanuages:

Surah An-Nisa Ayahs #144 Translated in Filipino

وَقَدْ نَزَّلَ عَلَيْكُمْ فِي الْكِتَابِ أَنْ إِذَا سَمِعْتُمْ آيَاتِ اللَّهِ يُكْفَرُ بِهَا وَيُسْتَهْزَأُ بِهَا فَلَا تَقْعُدُوا مَعَهُمْ حَتَّىٰ يَخُوضُوا فِي حَدِيثٍ غَيْرِهِ ۚ إِنَّكُمْ إِذًا مِثْلُهُمْ ۗ إِنَّ اللَّهَ جَامِعُ الْمُنَافِقِينَ وَالْكَافِرِينَ فِي جَهَنَّمَ جَمِيعًا
At naipahayag nang ganap sa inyo sa Aklat (ang Qur’an), na kung inyong maririnig ang mga Talata ni Allah na itinatakwil at tinutuya, kung gayon, huwag kayong makiupo sa kanila, hanggang sa sila ay magkaroon ng pag-uusap na naiiba rito; (datapuwa’t kung kayo ay manatili sa kanila), katiyakan, na sa ganitong kalagayan, kayo ay magiging katulad (din) nila. Katotohanang titipunin ni Allah ang mga mapagkunwari at mga hindi sumasampalataya nang sama-sama sa Impiyerno
الَّذِينَ يَتَرَبَّصُونَ بِكُمْ فَإِنْ كَانَ لَكُمْ فَتْحٌ مِنَ اللَّهِ قَالُوا أَلَمْ نَكُنْ مَعَكُمْ وَإِنْ كَانَ لِلْكَافِرِينَ نَصِيبٌ قَالُوا أَلَمْ نَسْتَحْوِذْ عَلَيْكُمْ وَنَمْنَعْكُمْ مِنَ الْمُؤْمِنِينَ ۚ فَاللَّهُ يَحْكُمُ بَيْنَكُمْ يَوْمَ الْقِيَامَةِ ۗ وَلَنْ يَجْعَلَ اللَّهُ لِلْكَافِرِينَ عَلَى الْمُؤْمِنِينَ سَبِيلًا
Ang (mga mapagkunwari) na naghihintay at nagmamatyag sa inyo; kung kayo ay makapagtamasa ng tagumpay mula kay Allah, sila ay nagsasabi: “Hindi baga kami ay nasa panig ninyo?”, datapuwa’t kung ang mga hindi sumasampalataya ay nakapagwagi ng tagumpay, sila ay nagsasabi (sa kanila): “Hindi baga kami ay higit na maalam sa inyo at hindi baga namin pinangalagaan kayo sa mga sumasampalataya?” Si Allah ang hahatol sa pagitan ninyong (lahat) sa Araw ng Muling Pagkabuhay. At hindi kailanman ipagkakaloob ni Allah sa mga hindi sumasampalataya ang paraan (upang makapagwagi) laban sa mga sumasampalataya
إِنَّ الْمُنَافِقِينَ يُخَادِعُونَ اللَّهَ وَهُوَ خَادِعُهُمْ وَإِذَا قَامُوا إِلَى الصَّلَاةِ قَامُوا كُسَالَىٰ يُرَاءُونَ النَّاسَ وَلَا يَذْكُرُونَ اللَّهَ إِلَّا قَلِيلًا
Katotohanan, ang mga mapagkunwari ay naghahangad na linlangin si Allah, datapuwa’t Siya ang lilinlang sa kanila. At kung sila ay magsitindig na sa pagdarasal, sila ay tumitindig ng may katamaran at upang mamalas lamang ng mga tao, at hindi nila naaala-ala si Allah maliban sa katiting lamang
مُذَبْذَبِينَ بَيْنَ ذَٰلِكَ لَا إِلَىٰ هَٰؤُلَاءِ وَلَا إِلَىٰ هَٰؤُلَاءِ ۚ وَمَنْ يُضْلِلِ اللَّهُ فَلَنْ تَجِدَ لَهُ سَبِيلًا
(Sila) ay nag-uurong sulong sa pagitan nito (at niyaon), at hindi nabibilang sa alinman sa mga ito o sa mga yaon, at sinuman ang hayaan ni Allah na mapaligaw, kayo ay hindi makakatagpo para sa kanya ng daan (upang tumakas)
يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا لَا تَتَّخِذُوا الْكَافِرِينَ أَوْلِيَاءَ مِنْ دُونِ الْمُؤْمِنِينَ ۚ أَتُرِيدُونَ أَنْ تَجْعَلُوا لِلَّهِ عَلَيْكُمْ سُلْطَانًا مُبِينًا
O kayong nagsisisampalataya! Huwag ninyong tangkilikin bilang Auliya (mga tagapangalaga o kawaksi o kaibigan) ang mga hindi sumasampalataya sa halip ng mga sumasampalataya. Nais ba ninyong ihandog kay Allah ang isang nagliliwanag na katibayan laban sa inyong sarili

Choose other languages: