Quran Apps in many lanuages:

Surah An-Nisa Ayahs #147 Translated in Filipino

مُذَبْذَبِينَ بَيْنَ ذَٰلِكَ لَا إِلَىٰ هَٰؤُلَاءِ وَلَا إِلَىٰ هَٰؤُلَاءِ ۚ وَمَنْ يُضْلِلِ اللَّهُ فَلَنْ تَجِدَ لَهُ سَبِيلًا
(Sila) ay nag-uurong sulong sa pagitan nito (at niyaon), at hindi nabibilang sa alinman sa mga ito o sa mga yaon, at sinuman ang hayaan ni Allah na mapaligaw, kayo ay hindi makakatagpo para sa kanya ng daan (upang tumakas)
يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا لَا تَتَّخِذُوا الْكَافِرِينَ أَوْلِيَاءَ مِنْ دُونِ الْمُؤْمِنِينَ ۚ أَتُرِيدُونَ أَنْ تَجْعَلُوا لِلَّهِ عَلَيْكُمْ سُلْطَانًا مُبِينًا
O kayong nagsisisampalataya! Huwag ninyong tangkilikin bilang Auliya (mga tagapangalaga o kawaksi o kaibigan) ang mga hindi sumasampalataya sa halip ng mga sumasampalataya. Nais ba ninyong ihandog kay Allah ang isang nagliliwanag na katibayan laban sa inyong sarili
إِنَّ الْمُنَافِقِينَ فِي الدَّرْكِ الْأَسْفَلِ مِنَ النَّارِ وَلَنْ تَجِدَ لَهُمْ نَصِيرًا
Katotohanan, ang mga mapagkunwari ay mapapasakailaliman (ng antas) ng Apoy; walang sinumang kawaksi ang inyong matatagpuan para sa kanila
إِلَّا الَّذِينَ تَابُوا وَأَصْلَحُوا وَاعْتَصَمُوا بِاللَّهِ وَأَخْلَصُوا دِينَهُمْ لِلَّهِ فَأُولَٰئِكَ مَعَ الْمُؤْمِنِينَ ۖ وَسَوْفَ يُؤْتِ اللَّهُ الْمُؤْمِنِينَ أَجْرًا عَظِيمًا
Maliban sa mga nagtitika (sa kanilang pagiging mapagkunwari), at gumagawa ng kabutihan, at nagtitiwala kay Allah, at nagpapadalisay ng kanilang pananampalataya kay Allah (sa pamamagitan ng tanging pagsamba lamang sa Kanya at gumagawa ng kabutihan dahilan kay Allah), (kung magkagayon), sila ay mapapabilang sa mga sumasampalataya. At si Allah ay magkakaloob sa mga sumasampalataya ng malaking gantimpala
مَا يَفْعَلُ اللَّهُ بِعَذَابِكُمْ إِنْ شَكَرْتُمْ وَآمَنْتُمْ ۚ وَكَانَ اللَّهُ شَاكِرًا عَلِيمًا
Ano ang mapapakinabang ni Allah sa inyong kaparusahan, kung kayo ay may pasasalamat at nananampalataya sa Kanya? At si Allah ay Lalagi nang Ganap na Nagpapahalaga (sa mabuti), ang Ganap na Nakakaalam

Choose other languages: