Surah Al-Maeda Ayahs #94 Translated in Filipino
يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا إِنَّمَا الْخَمْرُ وَالْمَيْسِرُ وَالْأَنْصَابُ وَالْأَزْلَامُ رِجْسٌ مِنْ عَمَلِ الشَّيْطَانِ فَاجْتَنِبُوهُ لَعَلَّكُمْ تُفْلِحُونَ
o kayong nagsisisampalataya! Ang mga nakalalasing (lahat ng uri ng inuming may alkohol at iba pa na nakakapagbigay ng lambong sa kaisipan tulad ng ipinagbabawal na gamot, droga, damong marijuana, atbp.), ang pagsusugal, ang Al Anzab at Al Azlam (mga busog o palaso sa paghanap ng suwerte o kapasyahan) ay kasuklam-suklam na gawain ni Satanas. Kaya’t (mahigpit) na talikdan (ang lahat ng gayong kasuklam-suklam na bagay) upang kayo ay maging matagumpay
إِنَّمَا يُرِيدُ الشَّيْطَانُ أَنْ يُوقِعَ بَيْنَكُمُ الْعَدَاوَةَ وَالْبَغْضَاءَ فِي الْخَمْرِ وَالْمَيْسِرِ وَيَصُدَّكُمْ عَنْ ذِكْرِ اللَّهِ وَعَنِ الصَّلَاةِ ۖ فَهَلْ أَنْتُمْ مُنْتَهُونَ
Si Satanas ay naghahangad lamang na pasiglahin ang pagkagalit at pagkamuhi sa pagitan ninyo sa pamamagitan ng mga bagay na nakalalasing at pagsusugal, at humahadlang sa inyo sa pag-aala-ala kay Allah at sa pagdarasal. Kaya nga, kayo ba ay hindi magsisitigil
وَأَطِيعُوا اللَّهَ وَأَطِيعُوا الرَّسُولَ وَاحْذَرُوا ۚ فَإِنْ تَوَلَّيْتُمْ فَاعْلَمُوا أَنَّمَا عَلَىٰ رَسُولِنَا الْبَلَاغُ الْمُبِينُ
At sundin ninyo si Allah at ang Tagapagbalita (Muhammad), at maging maingat (kahit na ang mapalapit lamang sa pag-inom [ng nakalalasing] o pagsusugal o Al Anzab, o Al Azlam, atbp.) at magkaroon ng pangangamba kay Allah. At kung sila ay magsitalikod, inyong maalaman na ang tungkulin ng Aming Tagapagbalita ay maiparating (ang Kapahayagan) sa pinakamaliwanag na paraan
لَيْسَ عَلَى الَّذِينَ آمَنُوا وَعَمِلُوا الصَّالِحَاتِ جُنَاحٌ فِيمَا طَعِمُوا إِذَا مَا اتَّقَوْا وَآمَنُوا وَعَمِلُوا الصَّالِحَاتِ ثُمَّ اتَّقَوْا وَآمَنُوا ثُمَّ اتَّقَوْا وَأَحْسَنُوا ۗ وَاللَّهُ يُحِبُّ الْمُحْسِنِينَ
At sa mga sumasampalataya at nagsisigawa ng kabutihan, hindi isang kasalanan kung anuman ang kanilang kinain (noong una), kung sila ay may pangangamba kay Allah (sa pamamagitan nang paglayo sa mga bagay na Kanyang ipinagbabawal), at sumasampalataya at gumagawa ng kabutihan, at muli ay may pangangamba kay Allah at sumasampalataya, at muli pa ay may pangangamba kay Allah at nagsigawa ng kabutihan na may Ihsan (lantay na gawa). At si Allah ay nagmamahal sa mga gumagawa ng kabutihan
يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا لَيَبْلُوَنَّكُمُ اللَّهُ بِشَيْءٍ مِنَ الصَّيْدِ تَنَالُهُ أَيْدِيكُمْ وَرِمَاحُكُمْ لِيَعْلَمَ اللَّهُ مَنْ يَخَافُهُ بِالْغَيْبِ ۚ فَمَنِ اعْتَدَىٰ بَعْدَ ذَٰلِكَ فَلَهُ عَذَابٌ أَلِيمٌ
o kayong nagsisisampalataya! Si Allah ay katiyakang magbibigay sa inyo ng pagsubok sa isang bagay (sa pamamaraan) ng laro (o tagisan o pangangaso) na tunay na maaabot ng inyong mga kamay at ng inyong mga sibat, upang masubukan ni Allah kung sino ang nangangamba sa Kanya kahit na (Siya) ay hindi (ninyo) nakikita. Kaya’t kung sinuman ang lumabag makaraan ito, sasakanya ang kasakit- sakit na kaparusahan
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
