Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Isra Ayahs #51 Translated in Filipino

نَحْنُ أَعْلَمُ بِمَا يَسْتَمِعُونَ بِهِ إِذْ يَسْتَمِعُونَ إِلَيْكَ وَإِذْ هُمْ نَجْوَىٰ إِذْ يَقُولُ الظَّالِمُونَ إِنْ تَتَّبِعُونَ إِلَّا رَجُلًا مَسْحُورًا
Ganap Naming batid kung ano ang kanilang pinakikinggan kung sila ay nakikinig sa iyo, at kung sila ay nagsasagawa ng lihim na pagsasanggunian, pagmasdan, ang Zalimun (mga mapagsamba sa diyus-diyosan, pagano, mapaggawa ng kabuktutan, atbp.) ay nagsasabi: “wala kang sinusunod maliban sa isang tao na inaalihan (ng demonyo).”
انْظُرْ كَيْفَ ضَرَبُوا لَكَ الْأَمْثَالَ فَضَلُّوا فَلَا يَسْتَطِيعُونَ سَبِيلًا
Tunghayan kung ano ang mga halimbawa na kanilang itinatambad sa iyong harapan. Kaya’t sila ay napaligaw nang malayo, at sila kailanman ay hindi makakakita ng daan
وَقَالُوا أَإِذَا كُنَّا عِظَامًا وَرُفَاتًا أَإِنَّا لَمَبْعُوثُونَ خَلْقًا جَدِيدًا
At sila ay nagsasabi: “Kung kami ba ay mga buto na at lansag-lansag, tunay bang kami ay muling ibabangon sa bagong paglikha?”
قُلْ كُونُوا حِجَارَةً أَوْ حَدِيدًا
Ipagbadya mo (o Muhammad): “Maging kayo man ay bato o bakal
أَوْ خَلْقًا مِمَّا يَكْبُرُ فِي صُدُورِكُمْ ۚ فَسَيَقُولُونَ مَنْ يُعِيدُنَا ۖ قُلِ الَّذِي فَطَرَكُمْ أَوَّلَ مَرَّةٍ ۚ فَسَيُنْغِضُونَ إِلَيْكَ رُءُوسَهُمْ وَيَقُولُونَ مَتَىٰ هُوَ ۖ قُلْ عَسَىٰ أَنْ يَكُونَ قَرِيبًا
o iba pang likhang bagaynasainyongisipanayhigitnamatigas(upangibangon) [gayunman, kayo ay ibabangon]!” At sila ay magsasabi: “Sino ang magpapanumbalik sa amin (sa pagkabuhay)?” Ipahayag: “Siya (Allah) na lumikha sa inyo noong una!” At sa iyo, sila ay magsisiiling ng kanilang ulo at magsasabi: “Kailan kaya ito magaganap?” Ipagbadya: “Marahil, ito ay malapit na!”

Choose other languages: