Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Isra Ayahs #54 Translated in Filipino

قُلْ كُونُوا حِجَارَةً أَوْ حَدِيدًا
Ipagbadya mo (o Muhammad): “Maging kayo man ay bato o bakal
أَوْ خَلْقًا مِمَّا يَكْبُرُ فِي صُدُورِكُمْ ۚ فَسَيَقُولُونَ مَنْ يُعِيدُنَا ۖ قُلِ الَّذِي فَطَرَكُمْ أَوَّلَ مَرَّةٍ ۚ فَسَيُنْغِضُونَ إِلَيْكَ رُءُوسَهُمْ وَيَقُولُونَ مَتَىٰ هُوَ ۖ قُلْ عَسَىٰ أَنْ يَكُونَ قَرِيبًا
o iba pang likhang bagaynasainyongisipanayhigitnamatigas(upangibangon) [gayunman, kayo ay ibabangon]!” At sila ay magsasabi: “Sino ang magpapanumbalik sa amin (sa pagkabuhay)?” Ipahayag: “Siya (Allah) na lumikha sa inyo noong una!” At sa iyo, sila ay magsisiiling ng kanilang ulo at magsasabi: “Kailan kaya ito magaganap?” Ipagbadya: “Marahil, ito ay malapit na!”
يَوْمَ يَدْعُوكُمْ فَتَسْتَجِيبُونَ بِحَمْدِهِ وَتَظُنُّونَ إِنْ لَبِثْتُمْ إِلَّا قَلِيلًا
Sa Araw na Kanyang tatawagin kayo, at kayo ay tutugon (sa Kanyang panawagan) na may (mga salita) ng papuri at pagsunod sa Kanya, at mapag-iisip lamang ninyo (sa sandaling yaon) na kayo ay nanatili lamang (sa mundong ito) sa maigsing sandali
وَقُلْ لِعِبَادِي يَقُولُوا الَّتِي هِيَ أَحْسَنُ ۚ إِنَّ الشَّيْطَانَ يَنْزَغُ بَيْنَهُمْ ۚ إِنَّ الشَّيْطَانَ كَانَ لِلْإِنْسَانِ عَدُوًّا مُبِينًا
At ipagsaysay sa Aking mga alipin (alalaong baga, sila na mga tunay na sumasampalataya sa Kaisahan ni Allah, at sa Islam), na kanila lamang sabihin nang mainam ang mga salita, sapagkat katotohanang si Satanas ay nagtatanim ng hindi pagkakasundo sa kanilang lipon. Katiyakan, sa tao, si Satanas ay kanyang lantad na kaaway
رَبُّكُمْ أَعْلَمُ بِكُمْ ۖ إِنْ يَشَأْ يَرْحَمْكُمْ أَوْ إِنْ يَشَأْ يُعَذِّبْكُمْ ۚ وَمَا أَرْسَلْنَاكَ عَلَيْهِمْ وَكِيلًا
Ang inyong Panginoon ang nakakakilala sa inyo nang ganap, kung Kanyang naisin, kayo ay gagawaran Niya ng Kanyang habag, o kung Kanyang naisin, kayo ay gagawaran Niya ng parusa. At ikaw (o Muhammad) ay hindi Namin isinugo bilang tagapamahala sa kanila

Choose other languages: