Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Isra Ayahs #57 Translated in Filipino

وَقُلْ لِعِبَادِي يَقُولُوا الَّتِي هِيَ أَحْسَنُ ۚ إِنَّ الشَّيْطَانَ يَنْزَغُ بَيْنَهُمْ ۚ إِنَّ الشَّيْطَانَ كَانَ لِلْإِنْسَانِ عَدُوًّا مُبِينًا
At ipagsaysay sa Aking mga alipin (alalaong baga, sila na mga tunay na sumasampalataya sa Kaisahan ni Allah, at sa Islam), na kanila lamang sabihin nang mainam ang mga salita, sapagkat katotohanang si Satanas ay nagtatanim ng hindi pagkakasundo sa kanilang lipon. Katiyakan, sa tao, si Satanas ay kanyang lantad na kaaway
رَبُّكُمْ أَعْلَمُ بِكُمْ ۖ إِنْ يَشَأْ يَرْحَمْكُمْ أَوْ إِنْ يَشَأْ يُعَذِّبْكُمْ ۚ وَمَا أَرْسَلْنَاكَ عَلَيْهِمْ وَكِيلًا
Ang inyong Panginoon ang nakakakilala sa inyo nang ganap, kung Kanyang naisin, kayo ay gagawaran Niya ng Kanyang habag, o kung Kanyang naisin, kayo ay gagawaran Niya ng parusa. At ikaw (o Muhammad) ay hindi Namin isinugo bilang tagapamahala sa kanila
وَرَبُّكَ أَعْلَمُ بِمَنْ فِي السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ ۗ وَلَقَدْ فَضَّلْنَا بَعْضَ النَّبِيِّينَ عَلَىٰ بَعْضٍ ۖ وَآتَيْنَا دَاوُودَ زَبُورًا
At ang iyong Panginoon ang ganap na nakakabatid kung ano ang nasa kalangitan at kalupaan, at katotohanang Aming itinampok ang ibang mga Propeta ng higit sa iba (sa katungkulan at pananagutan), at kay david ay Aming ipinagkaloob ang Salmo
قُلِ ادْعُوا الَّذِينَ زَعَمْتُمْ مِنْ دُونِهِ فَلَا يَمْلِكُونَ كَشْفَ الضُّرِّ عَنْكُمْ وَلَا تَحْوِيلًا
Ipagbadya (o Muhammad): “Naninikluhod ba kayo sa kanila maliban pa sa Kanya, - na inyong itinuturing (na mga diyos tulad ng mga anghel, ang Mesiyas, si Ezra, atbp.). wala silang kapangyarihan na pawiin ang anumang kasahulan sa inyo, gayundin ang ilipat ito mula sa inyo sa ibang tao
أُولَٰئِكَ الَّذِينَ يَدْعُونَ يَبْتَغُونَ إِلَىٰ رَبِّهِمُ الْوَسِيلَةَ أَيُّهُمْ أَقْرَبُ وَيَرْجُونَ رَحْمَتَهُ وَيَخَافُونَ عَذَابَهُ ۚ إِنَّ عَذَابَ رَبِّكَ كَانَ مَحْذُورًا
Yaong kanilang mga pinananalanginan (katulad ni Hesus, ang anak ni Maria, Ezra, mga anghel, atbp.) ay naghahangad (sa kanilang sarili) ng paraan na mapalapit sa kanilang Panginoon (Allah), at kung sino sa kanila ang magiging pinakamalapit (kay Allah), at sila (Hesus, Ezra, mga anghel, atbp.) ay umaasam ng Kanyang Habag at nangangamba sa Kanyang kaparusahan. Katotohanan, ang kaparusahan ng iyong Panginoon ay isang bagay na dapat katakutan

Choose other languages: