Surah Al-Baqara Ayahs #67 Translated in Filipino
وَإِذْ أَخَذْنَا مِيثَاقَكُمْ وَرَفَعْنَا فَوْقَكُمُ الطُّورَ خُذُوا مَا آتَيْنَاكُمْ بِقُوَّةٍ وَاذْكُرُوا مَا فِيهِ لَعَلَّكُمْ تَتَّقُونَ
At alalahanin (o Angkan ng Israel), nang Aming kinuha ang inyong Kasunduan at Aming itinaas nang higit sa inyo ang Bundok (ng Sinai) na nagsasabi: “Manangan kayo nang matatag sa Aming ipinagkaloob sa inyo at inyong gunitain ang nakapaloob dito upang kayo ay maging Al-Muttaqun (mga matimtiman sa kabanalan, mabuti at matuwid na tao).”
ثُمَّ تَوَلَّيْتُمْ مِنْ بَعْدِ ذَٰلِكَ ۖ فَلَوْلَا فَضْلُ اللَّهِ عَلَيْكُمْ وَرَحْمَتُهُ لَكُنْتُمْ مِنَ الْخَاسِرِينَ
Datapuwa’t kayo ay nagsitalikod dito. At kung hindi lamang sa Biyaya at Habag ni Allah sa inyo, katiyakang kayo ay nasa lipon ng mga talunan
وَلَقَدْ عَلِمْتُمُ الَّذِينَ اعْتَدَوْا مِنْكُمْ فِي السَّبْتِ فَقُلْنَا لَهُمْ كُونُوا قِرَدَةً خَاسِئِينَ
At katotohanang batid ninyo kung sino sa inyong lipon ang sumuway sa (kautusan) ng (araw ng) Sabado. Aming (Allah) winika sa kanila: “Kayo ay maging unggoy, na kinasusuklaman at itinatakwil.”
فَجَعَلْنَاهَا نَكَالًا لِمَا بَيْنَ يَدَيْهَا وَمَا خَلْفَهَا وَمَوْعِظَةً لِلْمُتَّقِينَ
Kaya’t ginawa Namin ang kaparusahang ito bilang isang halimbawa sa kanilang panahon at sa susunod na sali’t saling lahi at isang aral sa mga may pangangamba kay Allah
وَإِذْ قَالَ مُوسَىٰ لِقَوْمِهِ إِنَّ اللَّهَ يَأْمُرُكُمْ أَنْ تَذْبَحُوا بَقَرَةً ۖ قَالُوا أَتَتَّخِذُنَا هُزُوًا ۖ قَالَ أَعُوذُ بِاللَّهِ أَنْ أَكُونَ مِنَ الْجَاهِلِينَ
At alalahanin nang sabihin ni Moises sa kanyang pamayanan: “Katotohanang si Allah ay nag-uutos sa inyo na kayo ay magsakripisyo (mag-alay) ng isang baka.” Sila ay nagsabi: “Ginagawa mo ba kaming katatawanan?” Siya (Moises) aynagsabi:“IligtasnawaakoniAllahnamapabilang sa Al-Jahilun (mga tao na walang pag-iisip, mangmang at may kabaliwan)!”
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
