Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Baqara Ayahs #68 Translated in Filipino

ثُمَّ تَوَلَّيْتُمْ مِنْ بَعْدِ ذَٰلِكَ ۖ فَلَوْلَا فَضْلُ اللَّهِ عَلَيْكُمْ وَرَحْمَتُهُ لَكُنْتُمْ مِنَ الْخَاسِرِينَ
Datapuwa’t kayo ay nagsitalikod dito. At kung hindi lamang sa Biyaya at Habag ni Allah sa inyo, katiyakang kayo ay nasa lipon ng mga talunan
وَلَقَدْ عَلِمْتُمُ الَّذِينَ اعْتَدَوْا مِنْكُمْ فِي السَّبْتِ فَقُلْنَا لَهُمْ كُونُوا قِرَدَةً خَاسِئِينَ
At katotohanang batid ninyo kung sino sa inyong lipon ang sumuway sa (kautusan) ng (araw ng) Sabado. Aming (Allah) winika sa kanila: “Kayo ay maging unggoy, na kinasusuklaman at itinatakwil.”
فَجَعَلْنَاهَا نَكَالًا لِمَا بَيْنَ يَدَيْهَا وَمَا خَلْفَهَا وَمَوْعِظَةً لِلْمُتَّقِينَ
Kaya’t ginawa Namin ang kaparusahang ito bilang isang halimbawa sa kanilang panahon at sa susunod na sali’t saling lahi at isang aral sa mga may pangangamba kay Allah
وَإِذْ قَالَ مُوسَىٰ لِقَوْمِهِ إِنَّ اللَّهَ يَأْمُرُكُمْ أَنْ تَذْبَحُوا بَقَرَةً ۖ قَالُوا أَتَتَّخِذُنَا هُزُوًا ۖ قَالَ أَعُوذُ بِاللَّهِ أَنْ أَكُونَ مِنَ الْجَاهِلِينَ
At alalahanin nang sabihin ni Moises sa kanyang pamayanan: “Katotohanang si Allah ay nag-uutos sa inyo na kayo ay magsakripisyo (mag-alay) ng isang baka.” Sila ay nagsabi: “Ginagawa mo ba kaming katatawanan?” Siya (Moises) aynagsabi:“IligtasnawaakoniAllahnamapabilang sa Al-Jahilun (mga tao na walang pag-iisip, mangmang at may kabaliwan)!”
قَالُوا ادْعُ لَنَا رَبَّكَ يُبَيِّنْ لَنَا مَا هِيَ ۚ قَالَ إِنَّهُ يَقُولُ إِنَّهَا بَقَرَةٌ لَا فَارِضٌ وَلَا بِكْرٌ عَوَانٌ بَيْنَ ذَٰلِكَ ۖ فَافْعَلُوا مَا تُؤْمَرُونَ
Sila ay nagsabi: “Manikluhod ka sa iyong Panginoon patungkol sa amin na gawing maliwanag kung anong (baka) ito!” Siya (Moises) ay nagsabi; Kanyang (Allah) winika: “Katotohanan, ito ay hindi lubhang matanda o lubhang bata, ngunit ito ay katamtamang gulang lamang; kaya’t gawin ninyo ang sa inyo ay ipinag-utos.”

Choose other languages: