Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Baqara Ayahs #71 Translated in Filipino

وَإِذْ قَالَ مُوسَىٰ لِقَوْمِهِ إِنَّ اللَّهَ يَأْمُرُكُمْ أَنْ تَذْبَحُوا بَقَرَةً ۖ قَالُوا أَتَتَّخِذُنَا هُزُوًا ۖ قَالَ أَعُوذُ بِاللَّهِ أَنْ أَكُونَ مِنَ الْجَاهِلِينَ
At alalahanin nang sabihin ni Moises sa kanyang pamayanan: “Katotohanang si Allah ay nag-uutos sa inyo na kayo ay magsakripisyo (mag-alay) ng isang baka.” Sila ay nagsabi: “Ginagawa mo ba kaming katatawanan?” Siya (Moises) aynagsabi:“IligtasnawaakoniAllahnamapabilang sa Al-Jahilun (mga tao na walang pag-iisip, mangmang at may kabaliwan)!”
قَالُوا ادْعُ لَنَا رَبَّكَ يُبَيِّنْ لَنَا مَا هِيَ ۚ قَالَ إِنَّهُ يَقُولُ إِنَّهَا بَقَرَةٌ لَا فَارِضٌ وَلَا بِكْرٌ عَوَانٌ بَيْنَ ذَٰلِكَ ۖ فَافْعَلُوا مَا تُؤْمَرُونَ
Sila ay nagsabi: “Manikluhod ka sa iyong Panginoon patungkol sa amin na gawing maliwanag kung anong (baka) ito!” Siya (Moises) ay nagsabi; Kanyang (Allah) winika: “Katotohanan, ito ay hindi lubhang matanda o lubhang bata, ngunit ito ay katamtamang gulang lamang; kaya’t gawin ninyo ang sa inyo ay ipinag-utos.”
قَالُوا ادْعُ لَنَا رَبَّكَ يُبَيِّنْ لَنَا مَا لَوْنُهَا ۚ قَالَ إِنَّهُ يَقُولُ إِنَّهَا بَقَرَةٌ صَفْرَاءُ فَاقِعٌ لَوْنُهَا تَسُرُّ النَّاظِرِينَ
Sila ay nagsabi: “Tawagan mo ang iyong Panginoon patungkol sa amin na maging maliwanag kung ano ang kulay nito!” Siya (Moises) ay nagsabi: “Kanyang (Allah) winika na ito ay dilaw na baka, na marikit sa kanyang kulay at nakakaakit sa mga tumitingin.”
قَالُوا ادْعُ لَنَا رَبَّكَ يُبَيِّنْ لَنَا مَا هِيَ إِنَّ الْبَقَرَ تَشَابَهَ عَلَيْنَا وَإِنَّا إِنْ شَاءَ اللَّهُ لَمُهْتَدُونَ
Sila ay nagsabi: “Manawagan ka sa iyong Panginoon patungkol sa amin na maging maliwanag sa amin kung ano ba siya; para sa amin ang lahat ng mga baka ay magkakatulad. At katotohanang kung nanaisin ni Allah, kami ay mapapatnubayan.”
قَالَ إِنَّهُ يَقُولُ إِنَّهَا بَقَرَةٌ لَا ذَلُولٌ تُثِيرُ الْأَرْضَ وَلَا تَسْقِي الْحَرْثَ مُسَلَّمَةٌ لَا شِيَةَ فِيهَا ۚ قَالُوا الْآنَ جِئْتَ بِالْحَقِّ ۚ فَذَبَحُوهَا وَمَا كَادُوا يَفْعَلُونَ
Si (Moises) ay nagsabi: “Katotohanang Kanyang (Allah) winika: Ito ay isang baka na hindi pa natuturuang magbungkal ng lupa o magdilig ng bukirin, matatag, at walang anumang mantsa maliban sa marikit na dilaw.” Sila ay nagsabi: “Ngayon, ikaw ay naghatid ng katotohanan.” Kaya’t kanilang kinatay ito bagama’t sila ay nag-aatubili na ito ay gawin

Choose other languages: