Surah Al-Baqara Ayahs #211 Translated in Filipino
وَمِنَ النَّاسِ مَنْ يَشْرِي نَفْسَهُ ابْتِغَاءَ مَرْضَاتِ اللَّهِ ۗ وَاللَّهُ رَءُوفٌ بِالْعِبَادِ
At mayroong isang uri ng tao na iniaalay niya ang kanyang buhay upang makamtan ang kasiyahan ni Allah; at si Allah ay Tigib ng Kabaitan sa Kanyang mga lingkod
يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا ادْخُلُوا فِي السِّلْمِ كَافَّةً وَلَا تَتَّبِعُوا خُطُوَاتِ الشَّيْطَانِ ۚ إِنَّهُ لَكُمْ عَدُوٌّ مُبِينٌ
o kayong nagsisisampalataya! Magsipasok kayo sa Islam (pagsunod, pagtalima, pagsuko sa lahat ng mga kautusan ni Allah) at huwag ninyong sundin ang mga yapak ni Satanas, sapagkat tunay ngang siya ang inyong lantad na kaaway
فَإِنْ زَلَلْتُمْ مِنْ بَعْدِ مَا جَاءَتْكُمُ الْبَيِّنَاتُ فَاعْلَمُوا أَنَّ اللَّهَ عَزِيزٌ حَكِيمٌ
At kung kayo ay magbalik muli (sa kawalan ng pananalig) matapos ang maliwanag na mga Tanda (si Propeta Muhammad, ang Qur’an at Islam) ay dumatal sa inyo, kung gayon, inyong maalaman na si Allah ang Pinakamakapangyarihan, ang Pinakamaalam
هَلْ يَنْظُرُونَ إِلَّا أَنْ يَأْتِيَهُمُ اللَّهُ فِي ظُلَلٍ مِنَ الْغَمَامِ وَالْمَلَائِكَةُ وَقُضِيَ الْأَمْرُ ۚ وَإِلَى اللَّهِ تُرْجَعُ الْأُمُورُ
Sila baga ay naghihintay sa anuman, maliban pa na si Allah ay dumatal sa kanila sa lilim ng mga ulap at kasama (Niya) ang mga anghel at ang katanungan (ay mapagpasyahan)? Datapuwa’t ang lahat ng katanungan ay nagbabalik lahat kay Allah (upang hatulan)
سَلْ بَنِي إِسْرَائِيلَ كَمْ آتَيْنَاهُمْ مِنْ آيَةٍ بَيِّنَةٍ ۗ وَمَنْ يُبَدِّلْ نِعْمَةَ اللَّهِ مِنْ بَعْدِ مَا جَاءَتْهُ فَإِنَّ اللَّهَ شَدِيدُ الْعِقَابِ
Inyong tanungin ang Angkan ng Israel kung gaano karami ang maliliwanag na Ayat (mga tanda, aral, kapahayagan, katibayan, atbp.) na Aming ipinadala sa kanila. Datapuwa’t kung sinuman, matapos na ang Paglingap ni Allah ay sumakanya, ay magpalit nito (alalaong baga, bumalik sa kawalan ng pananalig at tumalikdan sa relihiyon ni Allah, ang Islam), kung gayon, katotohanang si Allah ay Mahigpit sa Kaparusahan
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
