Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Baqara Ayahs #210 Translated in Filipino

وَإِذَا قِيلَ لَهُ اتَّقِ اللَّهَ أَخَذَتْهُ الْعِزَّةُ بِالْإِثْمِ ۚ فَحَسْبُهُ جَهَنَّمُ ۚ وَلَبِئْسَ الْمِهَادُ
At kung sa kanya ay ipinagbabadya: “Pangambahan si Allah”, siya ay humahantong sa kapalaluan (sa higit na maraming) kabuktutan. Sapat na sa kanya ang Impiyerno, at tunay namang kasuklam-suklam ang pook na ito para panahanan
وَمِنَ النَّاسِ مَنْ يَشْرِي نَفْسَهُ ابْتِغَاءَ مَرْضَاتِ اللَّهِ ۗ وَاللَّهُ رَءُوفٌ بِالْعِبَادِ
At mayroong isang uri ng tao na iniaalay niya ang kanyang buhay upang makamtan ang kasiyahan ni Allah; at si Allah ay Tigib ng Kabaitan sa Kanyang mga lingkod
يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا ادْخُلُوا فِي السِّلْمِ كَافَّةً وَلَا تَتَّبِعُوا خُطُوَاتِ الشَّيْطَانِ ۚ إِنَّهُ لَكُمْ عَدُوٌّ مُبِينٌ
o kayong nagsisisampalataya! Magsipasok kayo sa Islam (pagsunod, pagtalima, pagsuko sa lahat ng mga kautusan ni Allah) at huwag ninyong sundin ang mga yapak ni Satanas, sapagkat tunay ngang siya ang inyong lantad na kaaway
فَإِنْ زَلَلْتُمْ مِنْ بَعْدِ مَا جَاءَتْكُمُ الْبَيِّنَاتُ فَاعْلَمُوا أَنَّ اللَّهَ عَزِيزٌ حَكِيمٌ
At kung kayo ay magbalik muli (sa kawalan ng pananalig) matapos ang maliwanag na mga Tanda (si Propeta Muhammad, ang Qur’an at Islam) ay dumatal sa inyo, kung gayon, inyong maalaman na si Allah ang Pinakamakapangyarihan, ang Pinakamaalam
هَلْ يَنْظُرُونَ إِلَّا أَنْ يَأْتِيَهُمُ اللَّهُ فِي ظُلَلٍ مِنَ الْغَمَامِ وَالْمَلَائِكَةُ وَقُضِيَ الْأَمْرُ ۚ وَإِلَى اللَّهِ تُرْجَعُ الْأُمُورُ
Sila baga ay naghihintay sa anuman, maliban pa na si Allah ay dumatal sa kanila sa lilim ng mga ulap at kasama (Niya) ang mga anghel at ang katanungan (ay mapagpasyahan)? Datapuwa’t ang lahat ng katanungan ay nagbabalik lahat kay Allah (upang hatulan)

Choose other languages: