Surah Ar-Rad Ayahs #30 Translated in Filipino
اللَّهُ يَبْسُطُ الرِّزْقَ لِمَنْ يَشَاءُ وَيَقْدِرُ ۚ وَفَرِحُوا بِالْحَيَاةِ الدُّنْيَا وَمَا الْحَيَاةُ الدُّنْيَا فِي الْآخِرَةِ إِلَّا مَتَاعٌ
Si Allah ang nagpaparami ng biyaya (pagkain at pangangailangan) sa sinumang Kanyang maibigan at nagpapaunti nito (sa sinumang Kanyang maibigan), at sila ay nagsisipagsaya sa buhay sa mundong ito, datapuwa’t ang buhay sa mundong ito kung ihahambing sa Kabilang Buhay ay isa lamang pagsasaya na pansamantalang dumaraan
وَيَقُولُ الَّذِينَ كَفَرُوا لَوْلَا أُنْزِلَ عَلَيْهِ آيَةٌ مِنْ رَبِّهِ ۗ قُلْ إِنَّ اللَّهَ يُضِلُّ مَنْ يَشَاءُ وَيَهْدِي إِلَيْهِ مَنْ أَنَابَ
At sila na hindi sumasampalataya ay nagsasabi: “Bakit kaya wala kahit isang Tanda ang ipinanaog sa kanya (Muhammad) mula sa kanyang Panginoon?” Ipagbadya: “Katotohanang si Allah ang nagliligaw sa sinumang Kanyang naisin at namamatnubay tungo sa Kanyang Sarili sa sinumang bumabaling sa Kanya sa pagsisisi
الَّذِينَ آمَنُوا وَتَطْمَئِنُّ قُلُوبُهُمْ بِذِكْرِ اللَّهِ ۗ أَلَا بِذِكْرِ اللَّهِ تَطْمَئِنُّ الْقُلُوبُ
Sila na sumasampalataya (sa Kaisahan ni Allah at sa Islam), at yaong mga puso na nakadarama ng katiwasayan sa pag- aala-ala kay Allah, katotohanan, sa pag-aala-ala kay Allah, ang mga puso ay nakakasumpong ng kapahingahan
الَّذِينَ آمَنُوا وَعَمِلُوا الصَّالِحَاتِ طُوبَىٰ لَهُمْ وَحُسْنُ مَآبٍ
Sila na sumasampalataya (sa Kaisahan ni Allah at sa Islam), at nagsisigawa ng kabutihan, sasakanila ang Tuba (ito ay nangangahulugan ng lahat ng uri ng kaligayahan na mahirap ilarawan sa salita lamang, o isang uri ng punongkahoy sa Paraiso), at isang magandang lugar (nang pangwakas) na pagbabalik.”
كَذَٰلِكَ أَرْسَلْنَاكَ فِي أُمَّةٍ قَدْ خَلَتْ مِنْ قَبْلِهَا أُمَمٌ لِتَتْلُوَ عَلَيْهِمُ الَّذِي أَوْحَيْنَا إِلَيْكَ وَهُمْ يَكْفُرُونَ بِالرَّحْمَٰنِ ۚ قُلْ هُوَ رَبِّي لَا إِلَٰهَ إِلَّا هُوَ عَلَيْهِ تَوَكَّلْتُ وَإِلَيْهِ مَتَابِ
Kaya’t ikaw (O Muhammad) ay isinugo Namin sa isang pamayanan na bago pa rito ay marami ng pamayanan ang pumanaw, upang iyong maipagturing sa kanila ang mga bagay na ipinahayag Namin sa iyo, habang sila ay hindi nananampalataya sa Pinakamapagpala (Allah). Ipagbadya: “Siya ang aking Panginoon! La ilaha illa Huwa (Walang ng iba pang diyos na karapat-dapat pag-ukulan ng pagsamba maliban sa Kanya)! Sa Kanya ang aking pagtitiwala at sa Kanya ang aking pagbabalik ng may pagsisisi.”
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
