Quran Apps in many lanuages:

Surah Ar-Rad Ayahs #29 Translated in Filipino

وَالَّذِينَ يَنْقُضُونَ عَهْدَ اللَّهِ مِنْ بَعْدِ مِيثَاقِهِ وَيَقْطَعُونَ مَا أَمَرَ اللَّهُ بِهِ أَنْ يُوصَلَ وَيُفْسِدُونَ فِي الْأَرْضِ ۙ أُولَٰئِكَ لَهُمُ اللَّعْنَةُ وَلَهُمْ سُوءُ الدَّارِ
At sila na sumisira sa kasunduan ni Allah, pagkaraan nang pagpapatibay dito, at pumuputol sa mga ipinag- uutos ni Allah na marapat na magkaisa (alalaong baga, ipinagwawalang bahala ang bigkis ng pagkakamag-anak at hindi mabuti ang pakikitungo sa kanilang mga kamag- anak), at gumagawa ng kabuktutan sa kalupaan, sasakanila ang sumpa (ni Allah, alalaong baga, sila ay malalayo sa Habag Niya); at para sa kanila ang malungkot (masamang) tahanan (alalaong baga, ang Impiyerno)
اللَّهُ يَبْسُطُ الرِّزْقَ لِمَنْ يَشَاءُ وَيَقْدِرُ ۚ وَفَرِحُوا بِالْحَيَاةِ الدُّنْيَا وَمَا الْحَيَاةُ الدُّنْيَا فِي الْآخِرَةِ إِلَّا مَتَاعٌ
Si Allah ang nagpaparami ng biyaya (pagkain at pangangailangan) sa sinumang Kanyang maibigan at nagpapaunti nito (sa sinumang Kanyang maibigan), at sila ay nagsisipagsaya sa buhay sa mundong ito, datapuwa’t ang buhay sa mundong ito kung ihahambing sa Kabilang Buhay ay isa lamang pagsasaya na pansamantalang dumaraan
وَيَقُولُ الَّذِينَ كَفَرُوا لَوْلَا أُنْزِلَ عَلَيْهِ آيَةٌ مِنْ رَبِّهِ ۗ قُلْ إِنَّ اللَّهَ يُضِلُّ مَنْ يَشَاءُ وَيَهْدِي إِلَيْهِ مَنْ أَنَابَ
At sila na hindi sumasampalataya ay nagsasabi: “Bakit kaya wala kahit isang Tanda ang ipinanaog sa kanya (Muhammad) mula sa kanyang Panginoon?” Ipagbadya: “Katotohanang si Allah ang nagliligaw sa sinumang Kanyang naisin at namamatnubay tungo sa Kanyang Sarili sa sinumang bumabaling sa Kanya sa pagsisisi
الَّذِينَ آمَنُوا وَتَطْمَئِنُّ قُلُوبُهُمْ بِذِكْرِ اللَّهِ ۗ أَلَا بِذِكْرِ اللَّهِ تَطْمَئِنُّ الْقُلُوبُ
Sila na sumasampalataya (sa Kaisahan ni Allah at sa Islam), at yaong mga puso na nakadarama ng katiwasayan sa pag- aala-ala kay Allah, katotohanan, sa pag-aala-ala kay Allah, ang mga puso ay nakakasumpong ng kapahingahan
الَّذِينَ آمَنُوا وَعَمِلُوا الصَّالِحَاتِ طُوبَىٰ لَهُمْ وَحُسْنُ مَآبٍ
Sila na sumasampalataya (sa Kaisahan ni Allah at sa Islam), at nagsisigawa ng kabutihan, sasakanila ang Tuba (ito ay nangangahulugan ng lahat ng uri ng kaligayahan na mahirap ilarawan sa salita lamang, o isang uri ng punongkahoy sa Paraiso), at isang magandang lugar (nang pangwakas) na pagbabalik.”

Choose other languages: