Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Maeda Ayahs #18 Translated in Filipino

وَمِنَ الَّذِينَ قَالُوا إِنَّا نَصَارَىٰ أَخَذْنَا مِيثَاقَهُمْ فَنَسُوا حَظًّا مِمَّا ذُكِّرُوا بِهِ فَأَغْرَيْنَا بَيْنَهُمُ الْعَدَاوَةَ وَالْبَغْضَاءَ إِلَىٰ يَوْمِ الْقِيَامَةِ ۚ وَسَوْفَ يُنَبِّئُهُمُ اللَّهُ بِمَا كَانُوا يَصْنَعُونَ
At sa mga tumatawag sa kanilang sarili na mga Kristiyano, Kami ay kumuha ng kanilang Kasunduan, datapuwa’t iniwan nila ang magandang bahagi ng Kapahayagan na ipinadala sa kanila. Kaya’t nagtanim Kami sa lipon nila ng galit at pagkamuhi hanggang sa Araw ng Muling Pagkabuhay (nang kanilang ipagwalangbahala ang Aklat ni Allah, sumuway sa mga Tagapagbalita ni Allah at Kanyang kautusan at lumabag sa lahat ng hangganan ng pagsuway), at si Allah ang magpapahayag sa kanila kung ano ang nakahiratihan na nilang ginagawa
يَا أَهْلَ الْكِتَابِ قَدْ جَاءَكُمْ رَسُولُنَا يُبَيِّنُ لَكُمْ كَثِيرًا مِمَّا كُنْتُمْ تُخْفُونَ مِنَ الْكِتَابِ وَيَعْفُو عَنْ كَثِيرٍ ۚ قَدْ جَاءَكُمْ مِنَ اللَّهِ نُورٌ وَكِتَابٌ مُبِينٌ
O Angkan ng Kasulatan (mga Hudyo at Kristiyano)! Ngayon ay dumatal sa inyo ang Aming Tagapagbalita (Muhammad) na nagpapaliwanag na mabuti sa inyo ng bagay na inyong itinatago mula sa Kasulatan at (ito) ay inyong lubhang dinadaan-daanan lamang (alalaong baga, hinahayaan lamang na walang pagpapaliwanag). Katotohanang dumatal sa inyo mula kay Allah ang isang liwanag (Propeta Muhammad) at isang maliwanag na Aklat (ang Qur’an)
يَهْدِي بِهِ اللَّهُ مَنِ اتَّبَعَ رِضْوَانَهُ سُبُلَ السَّلَامِ وَيُخْرِجُهُمْ مِنَ الظُّلُمَاتِ إِلَى النُّورِ بِإِذْنِهِ وَيَهْدِيهِمْ إِلَىٰ صِرَاطٍ مُسْتَقِيمٍ
(dito) si Allah ay namamatnubay sa mga naghahanap ng Kanyang mabuting kaluguran sa mga paraan ng kapayapaan, at sila ay Kanyang iniahon mula sa kadiliman tungo sa liwanag sa Kanyang nais at Kanyang pinatnubayan sila sa Matuwid na Landas (sa pagiging Tanging Isa ng diyos sa Islam)
لَقَدْ كَفَرَ الَّذِينَ قَالُوا إِنَّ اللَّهَ هُوَ الْمَسِيحُ ابْنُ مَرْيَمَ ۚ قُلْ فَمَنْ يَمْلِكُ مِنَ اللَّهِ شَيْئًا إِنْ أَرَادَ أَنْ يُهْلِكَ الْمَسِيحَ ابْنَ مَرْيَمَ وَأُمَّهُ وَمَنْ فِي الْأَرْضِ جَمِيعًا ۗ وَلِلَّهِ مُلْكُ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ وَمَا بَيْنَهُمَا ۚ يَخْلُقُ مَا يَشَاءُ ۚ وَاللَّهُ عَلَىٰ كُلِّ شَيْءٍ قَدِيرٌ
Katotohanan, ang mga hindi sumasampalataya (ay sila) na nagsasabi na si Allah ay ang Mesiyas, ang anak ni Maria. Ipagbadya (o Muhammad): “Sino kaya baga ang may pinakamaliit na kapangyarihan laban kay Allah, kung Kanyang naisin na wasakin ang Mesiyas, ang anak ni Maria, ang kanyang ina, at lahat ng nasa kalupaan nang magkakasama? At kay Allah ang pag-aangkin ng kapamahalaan ng kalangitan at kalupaan at lahat ng nasa pagitan nito. Lumilikha Siya ng Kanyang naisin. At si Allah ay Makakagawa ng lahat ng bagay
وَقَالَتِ الْيَهُودُ وَالنَّصَارَىٰ نَحْنُ أَبْنَاءُ اللَّهِ وَأَحِبَّاؤُهُ ۚ قُلْ فَلِمَ يُعَذِّبُكُمْ بِذُنُوبِكُمْ ۖ بَلْ أَنْتُمْ بَشَرٌ مِمَّنْ خَلَقَ ۚ يَغْفِرُ لِمَنْ يَشَاءُ وَيُعَذِّبُ مَنْ يَشَاءُ ۚ وَلِلَّهِ مُلْكُ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ وَمَا بَيْنَهُمَا ۖ وَإِلَيْهِ الْمَصِيرُ
At ang mga Hudyo at mga Kristiyano ay (kapwa) nagsasabi: “Kami ang mga anak ni Allah at Kanyang minamahal.” Ipagbadya: “Kung gayon, bakit kayo ay Kanyang pinarusahan sa inyong mga kasalanan?” Hindi, kayo ay mga tao lamang; at sa Kanyang mga nilikha, pinatatawad Niya ang Kanyang maibigan at pinarurusahan Niya ang Kanyang maibigan. At si Allah ang nag-aangkin ng kapamahalaan sa kalangitan at kalupaan at lahat ng nasa pagitan nito, at sa Kanya ang pagbabalik (ng lahat)

Choose other languages: