Surah Al-Baqara Ayahs #205 Translated in Filipino
وَمِنْهُمْ مَنْ يَقُولُ رَبَّنَا آتِنَا فِي الدُّنْيَا حَسَنَةً وَفِي الْآخِرَةِ حَسَنَةً وَقِنَا عَذَابَ النَّارِ
At mayroon (sa karamihan) ng mga tao ang nagsasabi: “Aming Panginoon! Inyong pagkalooban kami ng mabuti sa mundong ito at ng mabuti sa Kabilang Buhay, at Inyong iadya kami sa kaparusahan ng Apoy!”
أُولَٰئِكَ لَهُمْ نَصِيبٌ مِمَّا كَسَبُوا ۚ وَاللَّهُ سَرِيعُ الْحِسَابِ
Sa kanila ay igagawad ang bahagi ng kanilang pinagsumikapan; at si Allah ay Maagap sa Pagsusulit
وَاذْكُرُوا اللَّهَ فِي أَيَّامٍ مَعْدُودَاتٍ ۚ فَمَنْ تَعَجَّلَ فِي يَوْمَيْنِ فَلَا إِثْمَ عَلَيْهِ وَمَنْ تَأَخَّرَ فَلَا إِثْمَ عَلَيْهِ ۚ لِمَنِ اتَّقَىٰ ۗ وَاتَّقُوا اللَّهَ وَاعْلَمُوا أَنَّكُمْ إِلَيْهِ تُحْشَرُونَ
At alalahanin si Allah sa panahon ng Natatakdaang Araw (ang tatlong araw na ang mga tao ay namamalagi sa Mina sa panahon ng Hajj; sa panlabing-isa, panlabingdalawa at panlabingtatlong araw ng buwan ng Dhul-Hijjah sa pagsasabi nang malimit ng Allahu Akbar [si Allah ang Pinakadakila sa lahat] at habang nagkakatay ng Hady (pangsakripisyong hayop) at sa panahon ng Ramy ng Jamarat [simbolikong pagpupukol ng mga bato sa mga burol bilang pagtatakwil kay Satanas]), datapuwa’t kung sinuman ang magmadali na lumisan (pagkaraan) ng dalawang araw, ito ay hindi isang kamalian sa kanya at sinumang magpaiwan, ito ay hindi kasalanan sa kanya kung ang kanyang layunin ay gumawa ng kabutihan at tumalima kay Allah, at inyong maalaman na katotohanang kayo ay titipunin tungo sa Kanya
وَمِنَ النَّاسِ مَنْ يُعْجِبُكَ قَوْلُهُ فِي الْحَيَاةِ الدُّنْيَا وَيُشْهِدُ اللَّهَ عَلَىٰ مَا فِي قَلْبِهِ وَهُوَ أَلَدُّ الْخِصَامِ
At mayroong uri ng tao na ang kanyang pananalita sa buhay sa mundong ito ay nakakaakit sa iyo (o Muhammad), at siya ay nananawagan kay Allah na maging saksi kung ano ang nasa kanyang puso, datapuwa’t siya ang pinakapalaaway sa mga umuusig
وَإِذَا تَوَلَّىٰ سَعَىٰ فِي الْأَرْضِ لِيُفْسِدَ فِيهَا وَيُهْلِكَ الْحَرْثَ وَالنَّسْلَ ۗ وَاللَّهُ لَا يُحِبُّ الْفَسَادَ
At kung siya ay tumalikod na sa iyo (o Muhammad), ang kanyang pagsisikhay sa kalupaan ay upang gumawa rito ng katampalasanan at kanyang wasakin ang mga pananim at hayupan, datapuwa’t si Allah ay hindi nagmamahal sa mga kabuktutan
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
