Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Baqara Ayahs #207 Translated in Filipino

وَاذْكُرُوا اللَّهَ فِي أَيَّامٍ مَعْدُودَاتٍ ۚ فَمَنْ تَعَجَّلَ فِي يَوْمَيْنِ فَلَا إِثْمَ عَلَيْهِ وَمَنْ تَأَخَّرَ فَلَا إِثْمَ عَلَيْهِ ۚ لِمَنِ اتَّقَىٰ ۗ وَاتَّقُوا اللَّهَ وَاعْلَمُوا أَنَّكُمْ إِلَيْهِ تُحْشَرُونَ
At alalahanin si Allah sa panahon ng Natatakdaang Araw (ang tatlong araw na ang mga tao ay namamalagi sa Mina sa panahon ng Hajj; sa panlabing-isa, panlabingdalawa at panlabingtatlong araw ng buwan ng Dhul-Hijjah sa pagsasabi nang malimit ng Allahu Akbar [si Allah ang Pinakadakila sa lahat] at habang nagkakatay ng Hady (pangsakripisyong hayop) at sa panahon ng Ramy ng Jamarat [simbolikong pagpupukol ng mga bato sa mga burol bilang pagtatakwil kay Satanas]), datapuwa’t kung sinuman ang magmadali na lumisan (pagkaraan) ng dalawang araw, ito ay hindi isang kamalian sa kanya at sinumang magpaiwan, ito ay hindi kasalanan sa kanya kung ang kanyang layunin ay gumawa ng kabutihan at tumalima kay Allah, at inyong maalaman na katotohanang kayo ay titipunin tungo sa Kanya
وَمِنَ النَّاسِ مَنْ يُعْجِبُكَ قَوْلُهُ فِي الْحَيَاةِ الدُّنْيَا وَيُشْهِدُ اللَّهَ عَلَىٰ مَا فِي قَلْبِهِ وَهُوَ أَلَدُّ الْخِصَامِ
At mayroong uri ng tao na ang kanyang pananalita sa buhay sa mundong ito ay nakakaakit sa iyo (o Muhammad), at siya ay nananawagan kay Allah na maging saksi kung ano ang nasa kanyang puso, datapuwa’t siya ang pinakapalaaway sa mga umuusig
وَإِذَا تَوَلَّىٰ سَعَىٰ فِي الْأَرْضِ لِيُفْسِدَ فِيهَا وَيُهْلِكَ الْحَرْثَ وَالنَّسْلَ ۗ وَاللَّهُ لَا يُحِبُّ الْفَسَادَ
At kung siya ay tumalikod na sa iyo (o Muhammad), ang kanyang pagsisikhay sa kalupaan ay upang gumawa rito ng katampalasanan at kanyang wasakin ang mga pananim at hayupan, datapuwa’t si Allah ay hindi nagmamahal sa mga kabuktutan
وَإِذَا قِيلَ لَهُ اتَّقِ اللَّهَ أَخَذَتْهُ الْعِزَّةُ بِالْإِثْمِ ۚ فَحَسْبُهُ جَهَنَّمُ ۚ وَلَبِئْسَ الْمِهَادُ
At kung sa kanya ay ipinagbabadya: “Pangambahan si Allah”, siya ay humahantong sa kapalaluan (sa higit na maraming) kabuktutan. Sapat na sa kanya ang Impiyerno, at tunay namang kasuklam-suklam ang pook na ito para panahanan
وَمِنَ النَّاسِ مَنْ يَشْرِي نَفْسَهُ ابْتِغَاءَ مَرْضَاتِ اللَّهِ ۗ وَاللَّهُ رَءُوفٌ بِالْعِبَادِ
At mayroong isang uri ng tao na iniaalay niya ang kanyang buhay upang makamtan ang kasiyahan ni Allah; at si Allah ay Tigib ng Kabaitan sa Kanyang mga lingkod

Choose other languages: