Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Baqara Ayahs #148 Translated in Filipino

قَدْ نَرَىٰ تَقَلُّبَ وَجْهِكَ فِي السَّمَاءِ ۖ فَلَنُوَلِّيَنَّكَ قِبْلَةً تَرْضَاهَا ۚ فَوَلِّ وَجْهَكَ شَطْرَ الْمَسْجِدِ الْحَرَامِ ۚ وَحَيْثُ مَا كُنْتُمْ فَوَلُّوا وُجُوهَكُمْ شَطْرَهُ ۗ وَإِنَّ الَّذِينَ أُوتُوا الْكِتَابَ لَيَعْلَمُونَ أَنَّهُ الْحَقُّ مِنْ رَبِّهِمْ ۗ وَمَا اللَّهُ بِغَافِلٍ عَمَّا يَعْمَلُونَ
Katotohanang napagmasdan Namin ang pagbaling ng iyong mukha tungo sa kalangitan (o Muhammad). Katiyakang ililingon ka Namin sa isang Qiblah (pook ng pagharap sa pagdarasal) na magbibigay kasiyahan sa iyo, kaya’t ilingon mo ang iyong mukha patungo (sa direksyon) ng Banal na Bahay dalanginan (sa Makkah). At kahit nasaan ka pang lugar, ilingon mo ang iyong mukha (sa pagdarasal) sa gayong lugar. Katiyakan, ang Angkan ng Kasulatan (mga Hudyo at Kristiyano) ay ganap na nakakaalam na ito ang katotohanan mula sa kanilang Panginoon. At si Allah ang nakakaalam ng kanilang ginagawa
وَلَئِنْ أَتَيْتَ الَّذِينَ أُوتُوا الْكِتَابَ بِكُلِّ آيَةٍ مَا تَبِعُوا قِبْلَتَكَ ۚ وَمَا أَنْتَ بِتَابِعٍ قِبْلَتَهُمْ ۚ وَمَا بَعْضُهُمْ بِتَابِعٍ قِبْلَةَ بَعْضٍ ۚ وَلَئِنِ اتَّبَعْتَ أَهْوَاءَهُمْ مِنْ بَعْدِ مَا جَاءَكَ مِنَ الْعِلْمِ ۙ إِنَّكَ إِذًا لَمِنَ الظَّالِمِينَ
Kahit na iyong dalhin sa Angkan ng Kasulatan (mga Hudyo at Kristiyano) ang lahat ng Ayat (mga tanda, aral, kapahayagan, katibayan, atbp. nang sama-sama), hindi nila susundin ang iyong Qiblah (pook ng pagharap sa pagdarasal) at hindi mo rin susundin ang kanilang Qiblah (pook ng pagharap sa pagdarasal), gayundin ay hindi nila susundin ang Qiblah (pook ng pagharap sa pagdarasal) ng bawat isa sa kanila. Katotohanan, kung ikaw ay susunod sa kanilang mga pagnanasa matapos na ikaw ay makatanggap ng kaalaman (mula kay Allah), kung magkagayon, ikaw ay maliwanag na (magiging) isa sa Zalimun (mga tampalasan, mapagsamba sa diyus-diyosan, mapaggawa ng kamalian, atbp)
الَّذِينَ آتَيْنَاهُمُ الْكِتَابَ يَعْرِفُونَهُ كَمَا يَعْرِفُونَ أَبْنَاءَهُمْ ۖ وَإِنَّ فَرِيقًا مِنْهُمْ لَيَكْتُمُونَ الْحَقَّ وَهُمْ يَعْلَمُونَ
Sila na Aming pinagkalooban ng Kasulatan (mga Hudyo at Kristiyano) ay nakakakilala sa kanya (kay Muhammad, o sa Qiblah o Ka’ba sa Makkah) na katulad ng pagkakakilala nila sa kanilang mga anak na lalaki; datapuwa’t may pangkat sa lipon nila na naglilingid ng katotohanan bagama’t ito ay kanilang nababatid
الْحَقُّ مِنْ رَبِّكَ ۖ فَلَا تَكُونَنَّ مِنَ الْمُمْتَرِينَ
(Ito ang) Katotohanan mula sa inyong Panginoon, kaya’t huwag kayong sumama sa mga nag-aalinlangan
وَلِكُلٍّ وِجْهَةٌ هُوَ مُوَلِّيهَا ۖ فَاسْتَبِقُوا الْخَيْرَاتِ ۚ أَيْنَ مَا تَكُونُوا يَأْتِ بِكُمُ اللَّهُ جَمِيعًا ۚ إِنَّ اللَّهَ عَلَىٰ كُلِّ شَيْءٍ قَدِيرٌ
Sa bawat bansa (pamayanan) ay mayroong direksyon kung saan nila ibinabaling ang kanilang mukha (sa kanilang pagdalangin). Kaya’t magmadali kayo patungo sa lahat ng kabutihan. Kahit nasaan man kayong panig, si Allah ang magtitipon sa inyo (sa Araw ng Muling Pagkabuhay). Katotohanang si Allah ay makakagawa ng lahat ng bagay

Choose other languages: