Surah Al-Baqara Ayahs #151 Translated in Filipino
الْحَقُّ مِنْ رَبِّكَ ۖ فَلَا تَكُونَنَّ مِنَ الْمُمْتَرِينَ
(Ito ang) Katotohanan mula sa inyong Panginoon, kaya’t huwag kayong sumama sa mga nag-aalinlangan
وَلِكُلٍّ وِجْهَةٌ هُوَ مُوَلِّيهَا ۖ فَاسْتَبِقُوا الْخَيْرَاتِ ۚ أَيْنَ مَا تَكُونُوا يَأْتِ بِكُمُ اللَّهُ جَمِيعًا ۚ إِنَّ اللَّهَ عَلَىٰ كُلِّ شَيْءٍ قَدِيرٌ
Sa bawat bansa (pamayanan) ay mayroong direksyon kung saan nila ibinabaling ang kanilang mukha (sa kanilang pagdalangin). Kaya’t magmadali kayo patungo sa lahat ng kabutihan. Kahit nasaan man kayong panig, si Allah ang magtitipon sa inyo (sa Araw ng Muling Pagkabuhay). Katotohanang si Allah ay makakagawa ng lahat ng bagay
وَمِنْ حَيْثُ خَرَجْتَ فَوَلِّ وَجْهَكَ شَطْرَ الْمَسْجِدِ الْحَرَامِ ۖ وَإِنَّهُ لَلْحَقُّ مِنْ رَبِّكَ ۗ وَمَا اللَّهُ بِغَافِلٍ عَمَّا تَعْمَلُونَ
Atkahitsaanmangpookkayomagsimula(sapagdarasal), ilingon ninyo ang inyong mukha tungo sa direksyon ng Masjid Al Haram (Banal na Bahay Dalanginan sa Makkah). Katiyakang ito ang katotohanan mula sa inyong Panginoon. At si Allah ang nakakaalam ng inyong ginagawa
وَمِنْ حَيْثُ خَرَجْتَ فَوَلِّ وَجْهَكَ شَطْرَ الْمَسْجِدِ الْحَرَامِ ۚ وَحَيْثُ مَا كُنْتُمْ فَوَلُّوا وُجُوهَكُمْ شَطْرَهُ لِئَلَّا يَكُونَ لِلنَّاسِ عَلَيْكُمْ حُجَّةٌ إِلَّا الَّذِينَ ظَلَمُوا مِنْهُمْ فَلَا تَخْشَوْهُمْ وَاخْشَوْنِي وَلِأُتِمَّ نِعْمَتِي عَلَيْكُمْ وَلَعَلَّكُمْ تَهْتَدُونَ
At kahit saan mang pook kayo magsimula (sa pagdarasal), ilingon ninyo ang inyong mukha tungo sa direksyon ng Masjid Al Haram (Banal na Bahay Dalanginan sa Makkah), at kahit nasaan mang panig kayo, ilingon ninyo ang inyong mukha tungo roon (kung kayo ay magdarasal), upang ang mga tao ay walang maging pagtatalo laban sa inyo, maliban sa kanila na mapaggawa ng kamalian, kaya’t sila ay huwag ninyong pangambahan datapuwa’t inyong pangambahan Ako! At upang Aking maganap ang Aking paglingap sa inyo at upang kayo ay mapatnubayan
كَمَا أَرْسَلْنَا فِيكُمْ رَسُولًا مِنْكُمْ يَتْلُو عَلَيْكُمْ آيَاتِنَا وَيُزَكِّيكُمْ وَيُعَلِّمُكُمُ الْكِتَابَ وَالْحِكْمَةَ وَيُعَلِّمُكُمْ مَا لَمْ تَكُونُوا تَعْلَمُونَ
Gayundin naman (upang maging ganap ang Aking paglingap sa inyo), ay Aming isinugo sa inyo ang isang Tagapagbalita (Muhammad) na mula sa inyong lipon na nagpapahayag sa inyo ng Aming Kapahayagan (mga talata ng Qur’an) at nagpapabanal sa inyo at nagtuturo sa inyo ng Aklat (Qur’an) at ng Hikma (Karunungan, Batas Islamiko, Kahatulan at Pagpapasya, Sunna [mga gawa ng Propeta], atbp.) at nagtuturo sa inyo ng mga hindi ninyo nalalaman (na mga bagong karunungan)
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
