Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Anaam Ayahs #30 Translated in Filipino

وَهُمْ يَنْهَوْنَ عَنْهُ وَيَنْأَوْنَ عَنْهُ ۖ وَإِنْ يُهْلِكُونَ إِلَّا أَنْفُسَهُمْ وَمَا يَشْعُرُونَ
At kanilang hinahadlangan ang mga iba (palapit) sa kanya (kay Propeta Muhammad, upang siya ay kanilang sundin), at sila rin ay naglalayo ng kanilang sarili sa kanya, datapuwa’t winawasak lamang nila ang kanilang sarili, at ito ay hindi nila napag-aakala
وَلَوْ تَرَىٰ إِذْ وُقِفُوا عَلَى النَّارِ فَقَالُوا يَا لَيْتَنَا نُرَدُّ وَلَا نُكَذِّبَ بِآيَاتِ رَبِّنَا وَنَكُونَ مِنَ الْمُؤْمِنِينَ
At kung inyo lamang mapagmamalas kung sila ay patitindigin na sa Apoy (ng Impiyerno), sila ay magsasabi: “Mangyari sana na kami ay muling ibalik (sa mundo)! At hindi na namin itatakwil ang Ayat (mga talata, aral, kapahayagan, katibayan, atbp.) ng Aming Panginoon, at kami ay magiging mga mananampalataya!”
بَلْ بَدَا لَهُمْ مَا كَانُوا يُخْفُونَ مِنْ قَبْلُ ۖ وَلَوْ رُدُّوا لَعَادُوا لِمَا نُهُوا عَنْهُ وَإِنَّهُمْ لَكَاذِبُونَ
Hindi, nalantad na sa kanila kung ano ang kanilang ikinukubli noon. Datapuwa’t kung sila ay ibabalik muli (sa mundo), katiyakang sila ay babalik na muli sa mga bagay na ipinagbabawal sa kanila. At katotohanang sila ay mga sinungaling
وَقَالُوا إِنْ هِيَ إِلَّا حَيَاتُنَا الدُّنْيَا وَمَا نَحْنُ بِمَبْعُوثِينَ
At sila ay nagsabi: “wala ng iba (pang buhay) maliban sa aming (pangkasalukuyang) buhay sa mundong ito, at kailanman, kami ay hindi muling ibabangon (sa Araw ng Muling Pagkabuhay).”
وَلَوْ تَرَىٰ إِذْ وُقِفُوا عَلَىٰ رَبِّهِمْ ۚ قَالَ أَلَيْسَ هَٰذَا بِالْحَقِّ ۚ قَالُوا بَلَىٰ وَرَبِّنَا ۚ قَالَ فَذُوقُوا الْعَذَابَ بِمَا كُنْتُمْ تَكْفُرُونَ
At kung inyo lamang mamamasdan kung sila ay patitindigin na sa harapan ng kanilang Panginoon!, Siya (Allah) ay magwiwika: “Hindi baga ito ang Katotohanan (ang Muling Pagkabuhay at ang Pagsusulit)?” Sila ay magsasabi: “Tunay nga, aming Panginoon!” Siya (Allah) ay muling magwiwika: “Kaya’t lasapin ninyo (ngayon) ang kaparusahan dahilan sa kayo ay hindi nanampalataya.”

Choose other languages: