Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Anaam Ayahs #32 Translated in Filipino

بَلْ بَدَا لَهُمْ مَا كَانُوا يُخْفُونَ مِنْ قَبْلُ ۖ وَلَوْ رُدُّوا لَعَادُوا لِمَا نُهُوا عَنْهُ وَإِنَّهُمْ لَكَاذِبُونَ
Hindi, nalantad na sa kanila kung ano ang kanilang ikinukubli noon. Datapuwa’t kung sila ay ibabalik muli (sa mundo), katiyakang sila ay babalik na muli sa mga bagay na ipinagbabawal sa kanila. At katotohanang sila ay mga sinungaling
وَقَالُوا إِنْ هِيَ إِلَّا حَيَاتُنَا الدُّنْيَا وَمَا نَحْنُ بِمَبْعُوثِينَ
At sila ay nagsabi: “wala ng iba (pang buhay) maliban sa aming (pangkasalukuyang) buhay sa mundong ito, at kailanman, kami ay hindi muling ibabangon (sa Araw ng Muling Pagkabuhay).”
وَلَوْ تَرَىٰ إِذْ وُقِفُوا عَلَىٰ رَبِّهِمْ ۚ قَالَ أَلَيْسَ هَٰذَا بِالْحَقِّ ۚ قَالُوا بَلَىٰ وَرَبِّنَا ۚ قَالَ فَذُوقُوا الْعَذَابَ بِمَا كُنْتُمْ تَكْفُرُونَ
At kung inyo lamang mamamasdan kung sila ay patitindigin na sa harapan ng kanilang Panginoon!, Siya (Allah) ay magwiwika: “Hindi baga ito ang Katotohanan (ang Muling Pagkabuhay at ang Pagsusulit)?” Sila ay magsasabi: “Tunay nga, aming Panginoon!” Siya (Allah) ay muling magwiwika: “Kaya’t lasapin ninyo (ngayon) ang kaparusahan dahilan sa kayo ay hindi nanampalataya.”
قَدْ خَسِرَ الَّذِينَ كَذَّبُوا بِلِقَاءِ اللَّهِ ۖ حَتَّىٰ إِذَا جَاءَتْهُمُ السَّاعَةُ بَغْتَةً قَالُوا يَا حَسْرَتَنَا عَلَىٰ مَا فَرَّطْنَا فِيهَا وَهُمْ يَحْمِلُونَ أَوْزَارَهُمْ عَلَىٰ ظُهُورِهِمْ ۚ أَلَا سَاءَ مَا يَزِرُونَ
Katotohanan, talunan sila na nagtatakwil sa kanilang pakikipagniig kay Allah, hanggang sa di kaginsa-ginsa, ang oras (mga tanda ng kamatayan) ay sumapit na sa kanila, at sila ay magsasabi: “Ah! Kasawian sa amin na kami ay nagpabaya”; sapagkat kanilang dadalhin ang pasanin sa kanilang likod, at tunay na kasamaan ang mga pasanin na kanilang dadalhin
وَمَا الْحَيَاةُ الدُّنْيَا إِلَّا لَعِبٌ وَلَهْوٌ ۖ وَلَلدَّارُ الْآخِرَةُ خَيْرٌ لِلَّذِينَ يَتَّقُونَ ۗ أَفَلَا تَعْقِلُونَ
At ang buhay sa mundong ito ay wala ng iba kundi isang paglalaro lamang at paglilibang. Datapuwa’thigitnamainamangTahanan sa Kabilang Buhay para sa mga matutuwid. Hindi baga kayo makakaunawa

Choose other languages: