Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Anaam Ayahs #34 Translated in Filipino

وَلَوْ تَرَىٰ إِذْ وُقِفُوا عَلَىٰ رَبِّهِمْ ۚ قَالَ أَلَيْسَ هَٰذَا بِالْحَقِّ ۚ قَالُوا بَلَىٰ وَرَبِّنَا ۚ قَالَ فَذُوقُوا الْعَذَابَ بِمَا كُنْتُمْ تَكْفُرُونَ
At kung inyo lamang mamamasdan kung sila ay patitindigin na sa harapan ng kanilang Panginoon!, Siya (Allah) ay magwiwika: “Hindi baga ito ang Katotohanan (ang Muling Pagkabuhay at ang Pagsusulit)?” Sila ay magsasabi: “Tunay nga, aming Panginoon!” Siya (Allah) ay muling magwiwika: “Kaya’t lasapin ninyo (ngayon) ang kaparusahan dahilan sa kayo ay hindi nanampalataya.”
قَدْ خَسِرَ الَّذِينَ كَذَّبُوا بِلِقَاءِ اللَّهِ ۖ حَتَّىٰ إِذَا جَاءَتْهُمُ السَّاعَةُ بَغْتَةً قَالُوا يَا حَسْرَتَنَا عَلَىٰ مَا فَرَّطْنَا فِيهَا وَهُمْ يَحْمِلُونَ أَوْزَارَهُمْ عَلَىٰ ظُهُورِهِمْ ۚ أَلَا سَاءَ مَا يَزِرُونَ
Katotohanan, talunan sila na nagtatakwil sa kanilang pakikipagniig kay Allah, hanggang sa di kaginsa-ginsa, ang oras (mga tanda ng kamatayan) ay sumapit na sa kanila, at sila ay magsasabi: “Ah! Kasawian sa amin na kami ay nagpabaya”; sapagkat kanilang dadalhin ang pasanin sa kanilang likod, at tunay na kasamaan ang mga pasanin na kanilang dadalhin
وَمَا الْحَيَاةُ الدُّنْيَا إِلَّا لَعِبٌ وَلَهْوٌ ۖ وَلَلدَّارُ الْآخِرَةُ خَيْرٌ لِلَّذِينَ يَتَّقُونَ ۗ أَفَلَا تَعْقِلُونَ
At ang buhay sa mundong ito ay wala ng iba kundi isang paglalaro lamang at paglilibang. Datapuwa’thigitnamainamangTahanan sa Kabilang Buhay para sa mga matutuwid. Hindi baga kayo makakaunawa
قَدْ نَعْلَمُ إِنَّهُ لَيَحْزُنُكَ الَّذِي يَقُولُونَ ۖ فَإِنَّهُمْ لَا يُكَذِّبُونَكَ وَلَٰكِنَّ الظَّالِمِينَ بِآيَاتِ اللَّهِ يَجْحَدُونَ
Tunay Naming batid ang dalamhati na idinudulot ng kanilang mga salita sa iyo (o Muhammad); hindi ikaw ang kanilang itinatakwil, ngunit ang mga Talata (ng Qur’an) ni Allah ang itinatakwil ng Zalimun (mga mapagsamba sa diyus-diyosanatmapaggawangkamalian)
وَلَقَدْ كُذِّبَتْ رُسُلٌ مِنْ قَبْلِكَ فَصَبَرُوا عَلَىٰ مَا كُذِّبُوا وَأُوذُوا حَتَّىٰ أَتَاهُمْ نَصْرُنَا ۚ وَلَا مُبَدِّلَ لِكَلِمَاتِ اللَّهِ ۚ وَلَقَدْ جَاءَكَ مِنْ نَبَإِ الْمُرْسَلِينَ
Katotohanang (marami) na sa mga Tagapagbalita ang itinakwil nang una pa sa iyo (O Muhammad), datapuwa’t sa pamamagitan ng pagtitiyaga, sila ay nagbata sa (kanilang) pagtatakwil, at sila ay nasaktan, hanggang ang Aming Tulong ay sumapit sa kanila, at walang sinuman ang makakapagpabago sa mga Salita (mga Pasya) ni Allah. Katotohanang dumatal na sa iyo ang kaalaman (balita) hinggil sa mga Tagapagbalita (na nauna pa sa iyo)

Choose other languages: