Surah At-Tawba Ayahs #79 Translated in Filipino
وَمِنْهُمْ مَنْ عَاهَدَ اللَّهَ لَئِنْ آتَانَا مِنْ فَضْلِهِ لَنَصَّدَّقَنَّ وَلَنَكُونَنَّ مِنَ الصَّالِحِينَ
At ang ilan sa kanila ay gumawa ng kasunduan kay Allah (na nagsasabi): “Kung ipinagkaloob Niya sa amin ang Kanyang Kasaganaan, katotohanang kami ay magbibigay ng Sadaqah (katungkulan at kusang loob na kawanggawa tungo sa Kapakanan ni Allah), at katiyakang sila ay mapapabilang sa lipon ng mga matutuwid.”
فَلَمَّا آتَاهُمْ مِنْ فَضْلِهِ بَخِلُوا بِهِ وَتَوَلَّوْا وَهُمْ مُعْرِضُونَ
At nang sila ay gawaran Niya ng Kanyang Kasaganaan, sila ay naging lubhang maramot (tumanggi na magbigay ng Sadaqah [katungkulan at kusang loob na kawanggawa]), at tumalikod na tumututol
فَأَعْقَبَهُمْ نِفَاقًا فِي قُلُوبِهِمْ إِلَىٰ يَوْمِ يَلْقَوْنَهُ بِمَا أَخْلَفُوا اللَّهَ مَا وَعَدُوهُ وَبِمَا كَانُوا يَكْذِبُونَ
Kaya’t Kanyang pinarusahan sila sa pamamagitan nang paglalagay ng pagkukunwari sa kanilang puso hanggang sa Araw na Siya ay kanilang kakaharapin, sapagkat sinira nila ang gayong (kasunduan kay Allah) na kanilang ipinangako sa Kanya, at sapagkat sila ay nahirati sa pagsasabi ng kabulaanan
أَلَمْ يَعْلَمُوا أَنَّ اللَّهَ يَعْلَمُ سِرَّهُمْ وَنَجْوَاهُمْ وَأَنَّ اللَّهَ عَلَّامُ الْغُيُوبِ
Hindi baga nila nalalaman na nababatid ni Allah ang kanilang mga lihim na hinagap, at ang kanilang Najwa (lihim na pagsasanggunian), at si Allah ang Ganap na Nakakaalam ng lahat ng nalilingid
الَّذِينَ يَلْمِزُونَ الْمُطَّوِّعِينَ مِنَ الْمُؤْمِنِينَ فِي الصَّدَقَاتِ وَالَّذِينَ لَا يَجِدُونَ إِلَّا جُهْدَهُمْ فَيَسْخَرُونَ مِنْهُمْ ۙ سَخِرَ اللَّهُ مِنْهُمْ وَلَهُمْ عَذَابٌ أَلِيمٌ
Sila na umuupasala sa mga sumasampalataya na nagbibigay ng kawanggawa (sa Kapakanan ni Allah) nang kusang loob, at sila na hindi makahanap ng anuman upang ibigay sa kawanggawa (sa Kapakanan ni Allah), maliban kung ano lamang ang kanilang hawak; kaya’t kanilang tinutuya sila (mga nananampalataya), si Allah ay maghahagis sa kanila ng kanilang mga panunudyo, at sila ay tatanggap ng kasakit-sakit na kaparusahan
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
