Quran Apps in many lanuages:

Surah At-Tawba Ayahs #80 Translated in Filipino

فَلَمَّا آتَاهُمْ مِنْ فَضْلِهِ بَخِلُوا بِهِ وَتَوَلَّوْا وَهُمْ مُعْرِضُونَ
At nang sila ay gawaran Niya ng Kanyang Kasaganaan, sila ay naging lubhang maramot (tumanggi na magbigay ng Sadaqah [katungkulan at kusang loob na kawanggawa]), at tumalikod na tumututol
فَأَعْقَبَهُمْ نِفَاقًا فِي قُلُوبِهِمْ إِلَىٰ يَوْمِ يَلْقَوْنَهُ بِمَا أَخْلَفُوا اللَّهَ مَا وَعَدُوهُ وَبِمَا كَانُوا يَكْذِبُونَ
Kaya’t Kanyang pinarusahan sila sa pamamagitan nang paglalagay ng pagkukunwari sa kanilang puso hanggang sa Araw na Siya ay kanilang kakaharapin, sapagkat sinira nila ang gayong (kasunduan kay Allah) na kanilang ipinangako sa Kanya, at sapagkat sila ay nahirati sa pagsasabi ng kabulaanan
أَلَمْ يَعْلَمُوا أَنَّ اللَّهَ يَعْلَمُ سِرَّهُمْ وَنَجْوَاهُمْ وَأَنَّ اللَّهَ عَلَّامُ الْغُيُوبِ
Hindi baga nila nalalaman na nababatid ni Allah ang kanilang mga lihim na hinagap, at ang kanilang Najwa (lihim na pagsasanggunian), at si Allah ang Ganap na Nakakaalam ng lahat ng nalilingid
الَّذِينَ يَلْمِزُونَ الْمُطَّوِّعِينَ مِنَ الْمُؤْمِنِينَ فِي الصَّدَقَاتِ وَالَّذِينَ لَا يَجِدُونَ إِلَّا جُهْدَهُمْ فَيَسْخَرُونَ مِنْهُمْ ۙ سَخِرَ اللَّهُ مِنْهُمْ وَلَهُمْ عَذَابٌ أَلِيمٌ
Sila na umuupasala sa mga sumasampalataya na nagbibigay ng kawanggawa (sa Kapakanan ni Allah) nang kusang loob, at sila na hindi makahanap ng anuman upang ibigay sa kawanggawa (sa Kapakanan ni Allah), maliban kung ano lamang ang kanilang hawak; kaya’t kanilang tinutuya sila (mga nananampalataya), si Allah ay maghahagis sa kanila ng kanilang mga panunudyo, at sila ay tatanggap ng kasakit-sakit na kaparusahan
اسْتَغْفِرْ لَهُمْ أَوْ لَا تَسْتَغْفِرْ لَهُمْ إِنْ تَسْتَغْفِرْ لَهُمْ سَبْعِينَ مَرَّةً فَلَنْ يَغْفِرَ اللَّهُ لَهُمْ ۚ ذَٰلِكَ بِأَنَّهُمْ كَفَرُوا بِاللَّهِ وَرَسُولِهِ ۗ وَاللَّهُ لَا يَهْدِي الْقَوْمَ الْفَاسِقِينَ
Kahit na ikaw (o Muhammad) ay humingi ng kapatawaran para sa kanila (mga mapagkunwari) o hindi humingi ng kapatawaran para sa kanila, (at kahit) na ikaw ay humingi ng pitumpong ulit para sa kanilang kapatawaran, si Allah ay hindi magpapatawad sa kanila sapagkat sila ay hindi nanampalataya kay Allah at sa Kanyang Tagapagbalita (Muhammad). At si Allah ay hindi namamatnubay sa mga tao na Fasiqun (mga mapaghimagsik at palasuway kay Allah)

Choose other languages: