Quran Apps in many lanuages:

Surah At-Tawba Ayahs #127 Translated in Filipino

يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا قَاتِلُوا الَّذِينَ يَلُونَكُمْ مِنَ الْكُفَّارِ وَلْيَجِدُوا فِيكُمْ غِلْظَةً ۚ وَاعْلَمُوا أَنَّ اللَّهَ مَعَ الْمُتَّقِينَ
o kayong nagsisisampalataya! Inyong labanan ang mga hindi sumasampalataya na malapit sa inyo (alalaong baga, mga kamag-anak o kaibigan), at hayaan silang makatagpo ng katigasan (ng loob) sa inyo, at inyong maalaman na si Allah ay nananatili sa Al-Muttaqun (mga matimtiman at matutuwid na tao)
وَإِذَا مَا أُنْزِلَتْ سُورَةٌ فَمِنْهُمْ مَنْ يَقُولُ أَيُّكُمْ زَادَتْهُ هَٰذِهِ إِيمَانًا ۚ فَأَمَّا الَّذِينَ آمَنُوا فَزَادَتْهُمْ إِيمَانًا وَهُمْ يَسْتَبْشِرُونَ
At kailanman, kung may ipinapanaog na Surah (kabanata ng Qur’an), ang ilan sa kanila (na mga mapagkunwari) ay nagsasabi: “Sino ba sa inyo ang nagiging masidhi ang kanyang pananalig sa pamamagitan nito (ang kabanata ng Quran)?” At kung tungkol sa mga sumasampalataya, ito ay nakakapagpasidhi sa kanilang pananalig, at sila ay nangagagalak
وَأَمَّا الَّذِينَ فِي قُلُوبِهِمْ مَرَضٌ فَزَادَتْهُمْ رِجْسًا إِلَىٰ رِجْسِهِمْ وَمَاتُوا وَهُمْ كَافِرُونَ
Datapuwa’t sa kanila na ang puso ay may karamdaman (ng alinlangan, kawalan ng pananalig at pagkukunwari), ito ay makapagdaragdag ng kutob at alinlangan sa kanilang paghihinala, kawalan ng pananalig at alinlangan, at sila ay mamamatay habang sila ay hindi nananampalataya
أَوَلَا يَرَوْنَ أَنَّهُمْ يُفْتَنُونَ فِي كُلِّ عَامٍ مَرَّةً أَوْ مَرَّتَيْنِ ثُمَّ لَا يَتُوبُونَ وَلَا هُمْ يَذَّكَّرُونَ
Hindi baga nila namamasdan na sila ay sinusubukan, minsan o makalawa sa bawat taon (sa pamamagitan ng iba’t ibang uri ng kapinsalaan, mga sakit, pagkagutom, atbp.). Magkagayunman, sila ay hindi nagbabalik loob sa pagtitika, gayundin, sila ay hindi natututo ng aral (mula rito)
وَإِذَا مَا أُنْزِلَتْ سُورَةٌ نَظَرَ بَعْضُهُمْ إِلَىٰ بَعْضٍ هَلْ يَرَاكُمْ مِنْ أَحَدٍ ثُمَّ انْصَرَفُوا ۚ صَرَفَ اللَّهُ قُلُوبَهُمْ بِأَنَّهُمْ قَوْمٌ لَا يَفْقَهُونَ
At kailanma’t may ipinapanaog na Surah (kabanata mula sa Qur’an), sila ay nagtitinginan sa bawat isa (na nagsasabi): “Mayroon ba na nakakakita sa inyo?” At sila ay tumatalikod. Si Allah ay nagbaling ng kanilang puso (palayo sa liwanag), sapagkat sila ay mga tao na hindi nakakaunawa

Choose other languages: