Quran Apps in many lanuages:

Surah At-Tawba Ayahs #129 Translated in Filipino

وَأَمَّا الَّذِينَ فِي قُلُوبِهِمْ مَرَضٌ فَزَادَتْهُمْ رِجْسًا إِلَىٰ رِجْسِهِمْ وَمَاتُوا وَهُمْ كَافِرُونَ
Datapuwa’t sa kanila na ang puso ay may karamdaman (ng alinlangan, kawalan ng pananalig at pagkukunwari), ito ay makapagdaragdag ng kutob at alinlangan sa kanilang paghihinala, kawalan ng pananalig at alinlangan, at sila ay mamamatay habang sila ay hindi nananampalataya
أَوَلَا يَرَوْنَ أَنَّهُمْ يُفْتَنُونَ فِي كُلِّ عَامٍ مَرَّةً أَوْ مَرَّتَيْنِ ثُمَّ لَا يَتُوبُونَ وَلَا هُمْ يَذَّكَّرُونَ
Hindi baga nila namamasdan na sila ay sinusubukan, minsan o makalawa sa bawat taon (sa pamamagitan ng iba’t ibang uri ng kapinsalaan, mga sakit, pagkagutom, atbp.). Magkagayunman, sila ay hindi nagbabalik loob sa pagtitika, gayundin, sila ay hindi natututo ng aral (mula rito)
وَإِذَا مَا أُنْزِلَتْ سُورَةٌ نَظَرَ بَعْضُهُمْ إِلَىٰ بَعْضٍ هَلْ يَرَاكُمْ مِنْ أَحَدٍ ثُمَّ انْصَرَفُوا ۚ صَرَفَ اللَّهُ قُلُوبَهُمْ بِأَنَّهُمْ قَوْمٌ لَا يَفْقَهُونَ
At kailanma’t may ipinapanaog na Surah (kabanata mula sa Qur’an), sila ay nagtitinginan sa bawat isa (na nagsasabi): “Mayroon ba na nakakakita sa inyo?” At sila ay tumatalikod. Si Allah ay nagbaling ng kanilang puso (palayo sa liwanag), sapagkat sila ay mga tao na hindi nakakaunawa
لَقَدْ جَاءَكُمْ رَسُولٌ مِنْ أَنْفُسِكُمْ عَزِيزٌ عَلَيْهِ مَا عَنِتُّمْ حَرِيصٌ عَلَيْكُمْ بِالْمُؤْمِنِينَ رَءُوفٌ رَحِيمٌ
Katotohanang may dumatal sa inyo na isang Tagapagbalita (Muhammad) mula sa inyong lipon (alalaong baga, na ganap ninyong batid). Nakakapagpalumbay sa kanya na kayo ay mangyaring makatanggap ng anumang kapinsalaan o kahirapan. Siya (Muhammad) ay nasasabik para sa inyo (na kayo ay matuwid na mapatnubayan at magtika kay Allah, at manikluhod sa Kanya upang iparaya at patawarin ang inyong mga kasalanan upang kayo ay makapasok sa Paraiso at maligtas sa kaparusahan ng Apoy ng Impiyerno), sapagkat sa mga sumasampalataya, (siya, si Muhammad) ay tigib ng pagkahabag, kabaitan at pagkaawa
فَإِنْ تَوَلَّوْا فَقُلْ حَسْبِيَ اللَّهُ لَا إِلَٰهَ إِلَّا هُوَ ۖ عَلَيْهِ تَوَكَّلْتُ ۖ وَهُوَ رَبُّ الْعَرْشِ الْعَظِيمِ
Datapuwa’t kung sila ay magsitalikod, iyong ipagbadya (O Muhammad): “Si Allah ay sapat na sa akin. La ilaha illa Huwa (Wala ng iba pang Diyos na karapat-dapat pag-ukulan ng pagsamba maliban sa Kanya), sa Kanya ay inilalagay ko ang aking pagtitiwala at Siya ang Panginoon ng Kataas-taasang Luklukan.” ProPetA JonAs

Choose other languages: