Quran Apps in many lanuages:

Surah Ar-Rad Ayahs #14 Translated in Filipino

سَوَاءٌ مِنْكُمْ مَنْ أَسَرَّ الْقَوْلَ وَمَنْ جَهَرَ بِهِ وَمَنْ هُوَ مُسْتَخْفٍ بِاللَّيْلِ وَسَارِبٌ بِالنَّهَارِ
Magkatulad lamang sa Kanya kung sinuman sa inyo ang magtago ng kanyang pananalita o magsabi nang lantaran, kahit na siya ay magtago sa gabi o lumakad nang malaya sa araw (maghapon)
لَهُ مُعَقِّبَاتٌ مِنْ بَيْنِ يَدَيْهِ وَمِنْ خَلْفِهِ يَحْفَظُونَهُ مِنْ أَمْرِ اللَّهِ ۗ إِنَّ اللَّهَ لَا يُغَيِّرُ مَا بِقَوْمٍ حَتَّىٰ يُغَيِّرُوا مَا بِأَنْفُسِهِمْ ۗ وَإِذَا أَرَادَ اللَّهُ بِقَوْمٍ سُوءًا فَلَا مَرَدَّ لَهُ ۚ وَمَا لَهُمْ مِنْ دُونِهِ مِنْ وَالٍ
Sa bawat isang (tao) ay may mga anghel na magkasunod, sa kanyang harapan at sa kanyang likuran. Sila ay nagbabantay sa kanya sa pag-uutos ni Allah. Katotohanan! Hindi babaguhin ni Allah ang kalagayan ng isang pamayanan hanggang hindi nila binabago ang kanilang sarili (sa pamamagitan ng kanilang paggawa ng mga kasalanan, pagsuway kay Allah at kawalan ng damdamin ng pasasalamat) tungo sa kabutihan. Datapuwa’t kung naisin ni Allah ang kaparusahan sa mga tao, walang sinuman ang makakapagpaliban nito, at sila ay walang makikitang tagapagtanggol maliban pa sa Kanya
هُوَ الَّذِي يُرِيكُمُ الْبَرْقَ خَوْفًا وَطَمَعًا وَيُنْشِئُ السَّحَابَ الثِّقَالَ
Siya ang nagpapamalas sa inyo ng kidlat, bilang isang pangamba (sa mga naglalakbay) at bilang isang pag-asa sa mga (naghihintay ng ulan). At Siya ang naglulunsad ng mga ulap (upang mamuo), na tigib (ng tubig o ulan)
وَيُسَبِّحُ الرَّعْدُ بِحَمْدِهِ وَالْمَلَائِكَةُ مِنْ خِيفَتِهِ وَيُرْسِلُ الصَّوَاعِقَ فَيُصِيبُ بِهَا مَنْ يَشَاءُ وَهُمْ يُجَادِلُونَ فِي اللَّهِ وَهُوَ شَدِيدُ الْمِحَالِ
Ang Ar-Raad (kidlat) ay lumuluwahati at nagpupuri sa Kanya, gayundin ang mga anghel sa pagpipitagan sa Kanya. Siya ang nagpaparating ng liwanag ng kidlat, at dito ay pinatatamaan Niya ang sinumang Kanyang maibigan, datapuwa’t ang mga hindi sumasampalataya ay nagtatalo tungkol kay Allah. At Siya ang Pinakamalakas sa kapangyarihan at Mahigpit sa pagpaparusa
لَهُ دَعْوَةُ الْحَقِّ ۖ وَالَّذِينَ يَدْعُونَ مِنْ دُونِهِ لَا يَسْتَجِيبُونَ لَهُمْ بِشَيْءٍ إِلَّا كَبَاسِطِ كَفَّيْهِ إِلَى الْمَاءِ لِيَبْلُغَ فَاهُ وَمَا هُوَ بِبَالِغِهِ ۚ وَمَا دُعَاءُ الْكَافِرِينَ إِلَّا فِي ضَلَالٍ
Sapagkat nasasa-Kanya (lamang) ang Salita ng Katotohanan (alalaong baga, wala ng iba pang diyos na karapat-dapat pag-ukulan ng pagsamba maliban sa Kanya). At yaong kanilang dinadalanginan (mga imahen at diyus- diyosan) ay dumirinig sa kanila ng hindi hihigit pa sa katulad ng isang naglalawit ng kanyang kamay (sa gilid ng balon) upang maabot ang kanyang bunganga, datapuwa’t hindi niya ito maabot, at ang pagluhog ng mga hindi nananampalataya ay wala ng iba maliban sa kamalian (ito ay walang saysay)

Choose other languages: