Quran Apps in many lanuages:

Surah Ar-Rad Ayahs #17 Translated in Filipino

وَيُسَبِّحُ الرَّعْدُ بِحَمْدِهِ وَالْمَلَائِكَةُ مِنْ خِيفَتِهِ وَيُرْسِلُ الصَّوَاعِقَ فَيُصِيبُ بِهَا مَنْ يَشَاءُ وَهُمْ يُجَادِلُونَ فِي اللَّهِ وَهُوَ شَدِيدُ الْمِحَالِ
Ang Ar-Raad (kidlat) ay lumuluwahati at nagpupuri sa Kanya, gayundin ang mga anghel sa pagpipitagan sa Kanya. Siya ang nagpaparating ng liwanag ng kidlat, at dito ay pinatatamaan Niya ang sinumang Kanyang maibigan, datapuwa’t ang mga hindi sumasampalataya ay nagtatalo tungkol kay Allah. At Siya ang Pinakamalakas sa kapangyarihan at Mahigpit sa pagpaparusa
لَهُ دَعْوَةُ الْحَقِّ ۖ وَالَّذِينَ يَدْعُونَ مِنْ دُونِهِ لَا يَسْتَجِيبُونَ لَهُمْ بِشَيْءٍ إِلَّا كَبَاسِطِ كَفَّيْهِ إِلَى الْمَاءِ لِيَبْلُغَ فَاهُ وَمَا هُوَ بِبَالِغِهِ ۚ وَمَا دُعَاءُ الْكَافِرِينَ إِلَّا فِي ضَلَالٍ
Sapagkat nasasa-Kanya (lamang) ang Salita ng Katotohanan (alalaong baga, wala ng iba pang diyos na karapat-dapat pag-ukulan ng pagsamba maliban sa Kanya). At yaong kanilang dinadalanginan (mga imahen at diyus- diyosan) ay dumirinig sa kanila ng hindi hihigit pa sa katulad ng isang naglalawit ng kanyang kamay (sa gilid ng balon) upang maabot ang kanyang bunganga, datapuwa’t hindi niya ito maabot, at ang pagluhog ng mga hindi nananampalataya ay wala ng iba maliban sa kamalian (ito ay walang saysay)
وَلِلَّهِ يَسْجُدُ مَنْ فِي السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ طَوْعًا وَكَرْهًا وَظِلَالُهُمْ بِالْغُدُوِّ وَالْآصَالِ ۩
At (tanging) kay Allah (lamang) nagpapatirapa ang sinumang nasa kalangitan at kalupaan, nang maluwag sa kalooban o hindi bukal sa kalooban, at gayundin ang kanilang anino sa maraming umaga at sa maraming hapon
قُلْ مَنْ رَبُّ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ قُلِ اللَّهُ ۚ قُلْ أَفَاتَّخَذْتُمْ مِنْ دُونِهِ أَوْلِيَاءَ لَا يَمْلِكُونَ لِأَنْفُسِهِمْ نَفْعًا وَلَا ضَرًّا ۚ قُلْ هَلْ يَسْتَوِي الْأَعْمَىٰ وَالْبَصِيرُ أَمْ هَلْ تَسْتَوِي الظُّلُمَاتُ وَالنُّورُ ۗ أَمْ جَعَلُوا لِلَّهِ شُرَكَاءَ خَلَقُوا كَخَلْقِهِ فَتَشَابَهَ الْخَلْقُ عَلَيْهِمْ ۚ قُلِ اللَّهُ خَالِقُ كُلِّ شَيْءٍ وَهُوَ الْوَاحِدُ الْقَهَّارُ
Ipagbadya (o Muhammad): “Sino ang Panginoon ng mga kalangitan at kalupaan?” Ipagbadya: “Siya, si Allah.” Ipagbadya: “Tinangkilik ba ninyo (para sambahin) bilang Auliya (tagapagtanggol, tagapangalaga, atbp.) ang iba pa maliban sa Kanya, sila na walang angking kapangyarihan upang magbigay ng kapakinabangan o kasahulan sa kanilang sarili? Ipagbadya: “Ang bulag ba ay katumbas ng isang nakakakita? o ang dilim ba ay katulad ng liwanag? o nag-aakibat ba sila kay Allah ng mga katambal (sa Kanya) na lumikha ng katulad ng Kanyang nilikha, upang ang nilikha (na kanilang ginawa, at ang Kanyang nilikha) ay maituturing na magkatulad para sa kanila.” Ipagbadya: “Si Allah ang Tagapaglikha ng lahat ng bagay, Siya lamang ang Tanging Isa, ang hindi Mapapangibabawan.”
أَنْزَلَ مِنَ السَّمَاءِ مَاءً فَسَالَتْ أَوْدِيَةٌ بِقَدَرِهَا فَاحْتَمَلَ السَّيْلُ زَبَدًا رَابِيًا ۚ وَمِمَّا يُوقِدُونَ عَلَيْهِ فِي النَّارِ ابْتِغَاءَ حِلْيَةٍ أَوْ مَتَاعٍ زَبَدٌ مِثْلُهُ ۚ كَذَٰلِكَ يَضْرِبُ اللَّهُ الْحَقَّ وَالْبَاطِلَ ۚ فَأَمَّا الزَّبَدُ فَيَذْهَبُ جُفَاءً ۖ وَأَمَّا مَا يَنْفَعُ النَّاسَ فَيَمْكُثُ فِي الْأَرْضِ ۚ كَذَٰلِكَ يَضْرِبُ اللَّهُ الْأَمْثَالَ
Siya ang nagpapamalisbis ng tubig (ulan) mula sa alapaap at ang mga lambak ay nagsisidaloy ng ayon sa kanilang sukat, datapuwa’t ang baha (agos) ang nagdadala ng bula na natitipon sa ibabaw, at gayundin (sa tanso) na kanilang iniinit sa apoy upang sila ay makagawa ng mga palamuti at kasangkapang (pangkusina), dito ay mayroon ding bula na katulad nito, sa ganito, sa pamamagitan ng paghahambing, ay ipinamamalas ni Allah ang Katotohanan at Kabulaanan. At tungkol sa bula (ng baha), ito ay dumaraan bilang dumi sa mga baybay ng ilog, datapuwa’t ang makakabuti sa sangkatauhan ay nananatili sa kalupaan. Sa ganito, si Allah ay nagpapamalas ng mga paghahambing (tungo sa paniniwala at hindi paniniwala, Katotohanan at Kabulaanan)

Choose other languages: