Surah Ar-Rad Ayahs #19 Translated in Filipino
وَلِلَّهِ يَسْجُدُ مَنْ فِي السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ طَوْعًا وَكَرْهًا وَظِلَالُهُمْ بِالْغُدُوِّ وَالْآصَالِ ۩
At (tanging) kay Allah (lamang) nagpapatirapa ang sinumang nasa kalangitan at kalupaan, nang maluwag sa kalooban o hindi bukal sa kalooban, at gayundin ang kanilang anino sa maraming umaga at sa maraming hapon
قُلْ مَنْ رَبُّ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ قُلِ اللَّهُ ۚ قُلْ أَفَاتَّخَذْتُمْ مِنْ دُونِهِ أَوْلِيَاءَ لَا يَمْلِكُونَ لِأَنْفُسِهِمْ نَفْعًا وَلَا ضَرًّا ۚ قُلْ هَلْ يَسْتَوِي الْأَعْمَىٰ وَالْبَصِيرُ أَمْ هَلْ تَسْتَوِي الظُّلُمَاتُ وَالنُّورُ ۗ أَمْ جَعَلُوا لِلَّهِ شُرَكَاءَ خَلَقُوا كَخَلْقِهِ فَتَشَابَهَ الْخَلْقُ عَلَيْهِمْ ۚ قُلِ اللَّهُ خَالِقُ كُلِّ شَيْءٍ وَهُوَ الْوَاحِدُ الْقَهَّارُ
Ipagbadya (o Muhammad): “Sino ang Panginoon ng mga kalangitan at kalupaan?” Ipagbadya: “Siya, si Allah.” Ipagbadya: “Tinangkilik ba ninyo (para sambahin) bilang Auliya (tagapagtanggol, tagapangalaga, atbp.) ang iba pa maliban sa Kanya, sila na walang angking kapangyarihan upang magbigay ng kapakinabangan o kasahulan sa kanilang sarili? Ipagbadya: “Ang bulag ba ay katumbas ng isang nakakakita? o ang dilim ba ay katulad ng liwanag? o nag-aakibat ba sila kay Allah ng mga katambal (sa Kanya) na lumikha ng katulad ng Kanyang nilikha, upang ang nilikha (na kanilang ginawa, at ang Kanyang nilikha) ay maituturing na magkatulad para sa kanila.” Ipagbadya: “Si Allah ang Tagapaglikha ng lahat ng bagay, Siya lamang ang Tanging Isa, ang hindi Mapapangibabawan.”
أَنْزَلَ مِنَ السَّمَاءِ مَاءً فَسَالَتْ أَوْدِيَةٌ بِقَدَرِهَا فَاحْتَمَلَ السَّيْلُ زَبَدًا رَابِيًا ۚ وَمِمَّا يُوقِدُونَ عَلَيْهِ فِي النَّارِ ابْتِغَاءَ حِلْيَةٍ أَوْ مَتَاعٍ زَبَدٌ مِثْلُهُ ۚ كَذَٰلِكَ يَضْرِبُ اللَّهُ الْحَقَّ وَالْبَاطِلَ ۚ فَأَمَّا الزَّبَدُ فَيَذْهَبُ جُفَاءً ۖ وَأَمَّا مَا يَنْفَعُ النَّاسَ فَيَمْكُثُ فِي الْأَرْضِ ۚ كَذَٰلِكَ يَضْرِبُ اللَّهُ الْأَمْثَالَ
Siya ang nagpapamalisbis ng tubig (ulan) mula sa alapaap at ang mga lambak ay nagsisidaloy ng ayon sa kanilang sukat, datapuwa’t ang baha (agos) ang nagdadala ng bula na natitipon sa ibabaw, at gayundin (sa tanso) na kanilang iniinit sa apoy upang sila ay makagawa ng mga palamuti at kasangkapang (pangkusina), dito ay mayroon ding bula na katulad nito, sa ganito, sa pamamagitan ng paghahambing, ay ipinamamalas ni Allah ang Katotohanan at Kabulaanan. At tungkol sa bula (ng baha), ito ay dumaraan bilang dumi sa mga baybay ng ilog, datapuwa’t ang makakabuti sa sangkatauhan ay nananatili sa kalupaan. Sa ganito, si Allah ay nagpapamalas ng mga paghahambing (tungo sa paniniwala at hindi paniniwala, Katotohanan at Kabulaanan)
لِلَّذِينَ اسْتَجَابُوا لِرَبِّهِمُ الْحُسْنَىٰ ۚ وَالَّذِينَ لَمْ يَسْتَجِيبُوا لَهُ لَوْ أَنَّ لَهُمْ مَا فِي الْأَرْضِ جَمِيعًا وَمِثْلَهُ مَعَهُ لَافْتَدَوْا بِهِ ۚ أُولَٰئِكَ لَهُمْ سُوءُ الْحِسَابِ وَمَأْوَاهُمْ جَهَنَّمُ ۖ وَبِئْسَ الْمِهَادُ
At sa mga tumutugon sa Panawagan ng kanilang Panginoon (nanampalataya sa Kaisahan ni Allah at sumunod sa Kanyang Tagapagbalitang si Muhammad, ay magkakamit) ng Al-Hussna (alalaong baga, ang Paraiso). Subalit sila na hindi duminig ng Kanyang Panawagan (hindi nanampalataya sa Kaisahan ni Allah at hindi sumunod sa Kanyang Tagapagbalitang si Muhammad), kahima’t sila man ay mayroon ng lahat ng naririto sa mundo at katulad nito, ang mga ito ay ibibigay nilang lahat upang mailigtas nila ang kanilang sarili (sa kaparusahan, subalit ito ay walang magiging saysay). Sa kanila ay sasapit ang kahila- hilakbot na pagbabalik-gunita. Ang kanilang pananahanan ay Impiyerno; - at totoo namang napakasama ng lugar na ito upang pagpahingahan.”
أَفَمَنْ يَعْلَمُ أَنَّمَا أُنْزِلَ إِلَيْكَ مِنْ رَبِّكَ الْحَقُّ كَمَنْ هُوَ أَعْمَىٰ ۚ إِنَّمَا يَتَذَكَّرُ أُولُو الْأَلْبَابِ
Siya kaya na nakakaalam na ang mga ipinahayag sa iyo (O Muhammad) ay siyang Katotohanan mula sa iyong Panginoon ay makakatulad kaya niya na isang bulag? Datapuwa’t silang mga tao lamang na may pang-unawa ang nagbibigay ng pahalaga
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
