Surah An-Nur Ayahs #21 Translated in Filipino
يَعِظُكُمُ اللَّهُ أَنْ تَعُودُوا لِمِثْلِهِ أَبَدًا إِنْ كُنْتُمْ مُؤْمِنِينَ
Si Allah ay nagbabawal sa inyo nito, at nagbababala sa inyo na huwag nang ulitin ito o ang katulad nito kahit na kailanman, kung kayo ay sumasampalataya
وَيُبَيِّنُ اللَّهُ لَكُمُ الْآيَاتِ ۚ وَاللَّهُ عَلِيمٌ حَكِيمٌ
At si Allah ay gumagawa ng Ayat (mga katibayan, talata, tanda, aral, atbp.) na maging maliwanag sa inyo, at si Allah ang Ganap na Nakakaalam, ang Lubos na Maalam
إِنَّ الَّذِينَ يُحِبُّونَ أَنْ تَشِيعَ الْفَاحِشَةُ فِي الَّذِينَ آمَنُوا لَهُمْ عَذَابٌ أَلِيمٌ فِي الدُّنْيَا وَالْآخِرَةِ ۚ وَاللَّهُ يَعْلَمُ وَأَنْتُمْ لَا تَعْلَمُونَ
Katotohanan, ang nagnanais na (ang krimen) ng ipinagbabawal na seksuwal na pakikipagtalik ay marapat na ipamahagi (ipamalita o ipagkalat) sa mga sumasampalataya, sila ay tatanggap ng kasakit-sakit na kaparusahan sa mundong ito at sa Kabilang Buhay. At si Allah ang nakakaalam at kayo ay hindi
وَلَوْلَا فَضْلُ اللَّهِ عَلَيْكُمْ وَرَحْمَتُهُ وَأَنَّ اللَّهَ رَءُوفٌ رَحِيمٌ
At kung hindi lamang sa Pagpapala ni Allah at Kanyang Habag sa inyo (minadali sana ni Allah ang kaparusahan sa inyo). At si Allah ay Tigib ng Kabaitan, ang Pinakamaawain
يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا لَا تَتَّبِعُوا خُطُوَاتِ الشَّيْطَانِ ۚ وَمَنْ يَتَّبِعْ خُطُوَاتِ الشَّيْطَانِ فَإِنَّهُ يَأْمُرُ بِالْفَحْشَاءِ وَالْمُنْكَرِ ۚ وَلَوْلَا فَضْلُ اللَّهِ عَلَيْكُمْ وَرَحْمَتُهُ مَا زَكَىٰ مِنْكُمْ مِنْ أَحَدٍ أَبَدًا وَلَٰكِنَّ اللَّهَ يُزَكِّي مَنْ يَشَاءُ ۗ وَاللَّهُ سَمِيعٌ عَلِيمٌ
O kayong sumasampalataya! Huwag ninyong sundan ang mga yapak ni Satanas. At sinumang sumunod sa mga yapak ni Satanas, kung gayon, katotohanang siya ay nag- uulot ng Al Fasha (alalaong baga, ang magkasala ng bawal na relasyong seksuwal, kawalang dangal, kalaswaan), at Al Munkar (kawalan ng paniniwala, pagsamba sa mga diyus-diyosan). At kung hindi lamang sa Pagpapala ni Allah at sa Kanyang Habag sa inyo, walang sinuman sa inyo ang magiging malinis sa mga kasalanan. Datapuwa’t pinadadalisay (ginagabayan sa Islam) ni Allah ang sinumang Kanyang maibigan, at si Allah ang Ganap na Nakakarinig, ang Lubos na Nakakaalam
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
