Surah An-Nur Ayahs #23 Translated in Filipino
إِنَّ الَّذِينَ يُحِبُّونَ أَنْ تَشِيعَ الْفَاحِشَةُ فِي الَّذِينَ آمَنُوا لَهُمْ عَذَابٌ أَلِيمٌ فِي الدُّنْيَا وَالْآخِرَةِ ۚ وَاللَّهُ يَعْلَمُ وَأَنْتُمْ لَا تَعْلَمُونَ
Katotohanan, ang nagnanais na (ang krimen) ng ipinagbabawal na seksuwal na pakikipagtalik ay marapat na ipamahagi (ipamalita o ipagkalat) sa mga sumasampalataya, sila ay tatanggap ng kasakit-sakit na kaparusahan sa mundong ito at sa Kabilang Buhay. At si Allah ang nakakaalam at kayo ay hindi
وَلَوْلَا فَضْلُ اللَّهِ عَلَيْكُمْ وَرَحْمَتُهُ وَأَنَّ اللَّهَ رَءُوفٌ رَحِيمٌ
At kung hindi lamang sa Pagpapala ni Allah at Kanyang Habag sa inyo (minadali sana ni Allah ang kaparusahan sa inyo). At si Allah ay Tigib ng Kabaitan, ang Pinakamaawain
يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا لَا تَتَّبِعُوا خُطُوَاتِ الشَّيْطَانِ ۚ وَمَنْ يَتَّبِعْ خُطُوَاتِ الشَّيْطَانِ فَإِنَّهُ يَأْمُرُ بِالْفَحْشَاءِ وَالْمُنْكَرِ ۚ وَلَوْلَا فَضْلُ اللَّهِ عَلَيْكُمْ وَرَحْمَتُهُ مَا زَكَىٰ مِنْكُمْ مِنْ أَحَدٍ أَبَدًا وَلَٰكِنَّ اللَّهَ يُزَكِّي مَنْ يَشَاءُ ۗ وَاللَّهُ سَمِيعٌ عَلِيمٌ
O kayong sumasampalataya! Huwag ninyong sundan ang mga yapak ni Satanas. At sinumang sumunod sa mga yapak ni Satanas, kung gayon, katotohanang siya ay nag- uulot ng Al Fasha (alalaong baga, ang magkasala ng bawal na relasyong seksuwal, kawalang dangal, kalaswaan), at Al Munkar (kawalan ng paniniwala, pagsamba sa mga diyus-diyosan). At kung hindi lamang sa Pagpapala ni Allah at sa Kanyang Habag sa inyo, walang sinuman sa inyo ang magiging malinis sa mga kasalanan. Datapuwa’t pinadadalisay (ginagabayan sa Islam) ni Allah ang sinumang Kanyang maibigan, at si Allah ang Ganap na Nakakarinig, ang Lubos na Nakakaalam
وَلَا يَأْتَلِ أُولُو الْفَضْلِ مِنْكُمْ وَالسَّعَةِ أَنْ يُؤْتُوا أُولِي الْقُرْبَىٰ وَالْمَسَاكِينَ وَالْمُهَاجِرِينَ فِي سَبِيلِ اللَّهِ ۖ وَلْيَعْفُوا وَلْيَصْفَحُوا ۗ أَلَا تُحِبُّونَ أَنْ يَغْفِرَ اللَّهُ لَكُمْ ۗ وَاللَّهُ غَفُورٌ رَحِيمٌ
At huwag hayaan ang mga tao sa lipon ninyo na biniyayaan ng pagpapala at kayamanan ay manumpa na sila ay hindi magbibigay (ng anumang tulong) sa kanilang mga kamag-anak, sa mga mahihirap na namamalimos, at sa mga lumisan sa kanilang mga tahanan dahilan sa Kapakanan ni Allah. Hayaan silang magpatawad at magparaya. Hindi baga ninyo naiibigan na si Allah ay magpatawad sa inyo? At si Allah ay Lagi nang Nagpapatawad, ang Pinakamaawain
إِنَّ الَّذِينَ يَرْمُونَ الْمُحْصَنَاتِ الْغَافِلَاتِ الْمُؤْمِنَاتِ لُعِنُوا فِي الدُّنْيَا وَالْآخِرَةِ وَلَهُمْ عَذَابٌ عَظِيمٌ
Katotohanan, ang mga nagpaparatang sa mga malilinis na babae, na hindi man lamang nag-iisip ng anumang bagay na sisira sa kanilang kalinisan, at matuwid na sumasampalataya, sila (na nagpaparatang) ay isinumpa sa buhay na ito at sa Kabilang Buhay, at sa kanila ay nakalaan ang matinding Kaparusahan
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
