Surah An-Nisa Ayahs #18 Translated in Filipino
وَمَنْ يَعْصِ اللَّهَ وَرَسُولَهُ وَيَتَعَدَّ حُدُودَهُ يُدْخِلْهُ نَارًا خَالِدًا فِيهَا وَلَهُ عَذَابٌ مُهِينٌ
Datapuwa’t ang sumusuway kay Allah at sa Kanyang Tagapagbalita (Muhammad) at nagmamalabis sa itinakda, siya ay Kanyang ihahagis sa Apoy upang manahan dito at sasakanya ang kaaba-abang kaparusahan
وَاللَّاتِي يَأْتِينَ الْفَاحِشَةَ مِنْ نِسَائِكُمْ فَاسْتَشْهِدُوا عَلَيْهِنَّ أَرْبَعَةً مِنْكُمْ ۖ فَإِنْ شَهِدُوا فَأَمْسِكُوهُنَّ فِي الْبُيُوتِ حَتَّىٰ يَتَوَفَّاهُنَّ الْمَوْتُ أَوْ يَجْعَلَ اللَّهُ لَهُنَّ سَبِيلًا
At kung sinuman sa inyong kababaihan ang magkasala ng kahalayan (bawal na pakikipagtalik), inyong kunin ang patibay (na mapapanaligan) ng apat na saksi mula sa inyong lipon laban sa kanila; at kung sila ay magbigay saksi, panatilihin sila (ang mga babae) sa bahay hanggang ang kamatayan ay sumapit sa kanila o hanggang si Allah ay magtakda sa kanila ng (ibang) paraan
وَاللَّذَانِ يَأْتِيَانِهَا مِنْكُمْ فَآذُوهُمَا ۖ فَإِنْ تَابَا وَأَصْلَحَا فَأَعْرِضُوا عَنْهُمَا ۗ إِنَّ اللَّهَ كَانَ تَوَّابًا رَحِيمًا
At kung ang dalawang tao (lalaki at babae) sa lipon ninyo ay makagawa ng kahalayan (bawal na pakikipagtalik), sila ay kapwa parusahan. At kung sila ay magtika at magbago (alalaong baga, nangako kay Allah na hindi na nila kailanman uulitin ang gayong gawa at iba pang katulad na kasalanan) at gumawa ng mga kabutihan, inyong hayaan silang mapag-isa. Katotohanang si Allah ang Tanging Isa na tumatanggap ng pagsisisi, ang Pinakamaawain
إِنَّمَا التَّوْبَةُ عَلَى اللَّهِ لِلَّذِينَ يَعْمَلُونَ السُّوءَ بِجَهَالَةٍ ثُمَّ يَتُوبُونَ مِنْ قَرِيبٍ فَأُولَٰئِكَ يَتُوبُ اللَّهُ عَلَيْهِمْ ۗ وَكَانَ اللَّهُ عَلِيمًا حَكِيمًا
Si Allah ay tumatanggap ng pagsisisi ng mga nakagawa ng kasamaan sa kawalan ng muwang (pagiging inosente) at karaka-raka’y nagsisisi matapos ito; sa kanila ay ibabaling ni Allah ang Kanyang habag; sapagkat si Allah ay Tigib ng Kaalaman at Karunungan
وَلَيْسَتِ التَّوْبَةُ لِلَّذِينَ يَعْمَلُونَ السَّيِّئَاتِ حَتَّىٰ إِذَا حَضَرَ أَحَدَهُمُ الْمَوْتُ قَالَ إِنِّي تُبْتُ الْآنَ وَلَا الَّذِينَ يَمُوتُونَ وَهُمْ كُفَّارٌ ۚ أُولَٰئِكَ أَعْتَدْنَا لَهُمْ عَذَابًا أَلِيمًا
walang katuturan ang pagtitika ng mga nagpapatuloy pa rin sa paggawa ng kasamaan, hanggang ang kamatayan ay dumatal sa isa sa kanila, at siya ay magsabi, “Ngayon, ako ay tunay na nagsisisi”, gayundin naman ang mga dinatnan ng kamatayan habang sila ay nagtatakwil sa Pananampalataya; sa kanila ay Aming inihanda ang kasakit- sakit na kaparusahan
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
