Quran Apps in many lanuages:

Surah An-Nisa Ayahs #17 Translated in Filipino

تِلْكَ حُدُودُ اللَّهِ ۚ وَمَنْ يُطِعِ اللَّهَ وَرَسُولَهُ يُدْخِلْهُ جَنَّاتٍ تَجْرِي مِنْ تَحْتِهَا الْأَنْهَارُ خَالِدِينَ فِيهَا ۚ وَذَٰلِكَ الْفَوْزُ الْعَظِيمُ
Ito ang mga pag-uutos na itinakda ni Allah (tungkol sa mga pamana), at sinumang sumunod kay Allah at sa Kanyang Tagapagbalita (Muhammad) ay tatanggapin sa Hardin na sa ibaba nito ay may mga ilog na nagsisidaloy (Paraiso) upang manahan dito (magpakailanman), at ito ang pinakasukdol na tagumpay
وَمَنْ يَعْصِ اللَّهَ وَرَسُولَهُ وَيَتَعَدَّ حُدُودَهُ يُدْخِلْهُ نَارًا خَالِدًا فِيهَا وَلَهُ عَذَابٌ مُهِينٌ
Datapuwa’t ang sumusuway kay Allah at sa Kanyang Tagapagbalita (Muhammad) at nagmamalabis sa itinakda, siya ay Kanyang ihahagis sa Apoy upang manahan dito at sasakanya ang kaaba-abang kaparusahan
وَاللَّاتِي يَأْتِينَ الْفَاحِشَةَ مِنْ نِسَائِكُمْ فَاسْتَشْهِدُوا عَلَيْهِنَّ أَرْبَعَةً مِنْكُمْ ۖ فَإِنْ شَهِدُوا فَأَمْسِكُوهُنَّ فِي الْبُيُوتِ حَتَّىٰ يَتَوَفَّاهُنَّ الْمَوْتُ أَوْ يَجْعَلَ اللَّهُ لَهُنَّ سَبِيلًا
At kung sinuman sa inyong kababaihan ang magkasala ng kahalayan (bawal na pakikipagtalik), inyong kunin ang patibay (na mapapanaligan) ng apat na saksi mula sa inyong lipon laban sa kanila; at kung sila ay magbigay saksi, panatilihin sila (ang mga babae) sa bahay hanggang ang kamatayan ay sumapit sa kanila o hanggang si Allah ay magtakda sa kanila ng (ibang) paraan
وَاللَّذَانِ يَأْتِيَانِهَا مِنْكُمْ فَآذُوهُمَا ۖ فَإِنْ تَابَا وَأَصْلَحَا فَأَعْرِضُوا عَنْهُمَا ۗ إِنَّ اللَّهَ كَانَ تَوَّابًا رَحِيمًا
At kung ang dalawang tao (lalaki at babae) sa lipon ninyo ay makagawa ng kahalayan (bawal na pakikipagtalik), sila ay kapwa parusahan. At kung sila ay magtika at magbago (alalaong baga, nangako kay Allah na hindi na nila kailanman uulitin ang gayong gawa at iba pang katulad na kasalanan) at gumawa ng mga kabutihan, inyong hayaan silang mapag-isa. Katotohanang si Allah ang Tanging Isa na tumatanggap ng pagsisisi, ang Pinakamaawain
إِنَّمَا التَّوْبَةُ عَلَى اللَّهِ لِلَّذِينَ يَعْمَلُونَ السُّوءَ بِجَهَالَةٍ ثُمَّ يَتُوبُونَ مِنْ قَرِيبٍ فَأُولَٰئِكَ يَتُوبُ اللَّهُ عَلَيْهِمْ ۗ وَكَانَ اللَّهُ عَلِيمًا حَكِيمًا
Si Allah ay tumatanggap ng pagsisisi ng mga nakagawa ng kasamaan sa kawalan ng muwang (pagiging inosente) at karaka-raka’y nagsisisi matapos ito; sa kanila ay ibabaling ni Allah ang Kanyang habag; sapagkat si Allah ay Tigib ng Kaalaman at Karunungan

Choose other languages: