Quran Apps in many lanuages:

Surah An-Nisa Ayahs #113 Translated in Filipino

هَا أَنْتُمْ هَٰؤُلَاءِ جَادَلْتُمْ عَنْهُمْ فِي الْحَيَاةِ الدُّنْيَا فَمَنْ يُجَادِلُ اللَّهَ عَنْهُمْ يَوْمَ الْقِيَامَةِ أَمْ مَنْ يَكُونُ عَلَيْهِمْ وَكِيلًا
Ah! Kayo ang nakipagtalo sa kanila sa buhay sa mundong ito, datapuwa’t sino ang makikipagtalo (makakapamagitan) sa kanila sa Araw ng Muling Pagkabuhay laban kay Allah, o sino kaya ang kanilang magiging tagapagtanggol
وَمَنْ يَعْمَلْ سُوءًا أَوْ يَظْلِمْ نَفْسَهُ ثُمَّ يَسْتَغْفِرِ اللَّهَ يَجِدِ اللَّهَ غَفُورًا رَحِيمًا
At sinuman ang gumawa ng masama o nagbigay kamalian sa kanyang sarili, datapuwa’t matapos ito, ay humanap ng kapatawaran ni Allah; kanyang matatagpuan na si Allah ay Lagi nang Nagpapatawad, ang Pinakamaawain
وَمَنْ يَكْسِبْ إِثْمًا فَإِنَّمَا يَكْسِبُهُ عَلَىٰ نَفْسِهِ ۚ وَكَانَ اللَّهُ عَلِيمًا حَكِيمًا
At sinuman ang umani ng kasalanan, kanyang kinita ito para lamang sa kanyang sarili. At si Allah ay Lagi nang Ganap na Nakakaalam, ang Kapaham- pahaman
وَمَنْ يَكْسِبْ خَطِيئَةً أَوْ إِثْمًا ثُمَّ يَرْمِ بِهِ بَرِيئًا فَقَدِ احْتَمَلَ بُهْتَانًا وَإِثْمًا مُبِينًا
At sinuman ang umani ng kamalian o kasalanan at pagkatapos ay naghagis nito sa sinuman na walang muwang, katotohanang binigyan niya ang kanyang sarili ng dalahin ng kasinungalingan at ng maliwanag na kasalanan
وَلَوْلَا فَضْلُ اللَّهِ عَلَيْكَ وَرَحْمَتُهُ لَهَمَّتْ طَائِفَةٌ مِنْهُمْ أَنْ يُضِلُّوكَ وَمَا يُضِلُّونَ إِلَّا أَنْفُسَهُمْ ۖ وَمَا يَضُرُّونَكَ مِنْ شَيْءٍ ۚ وَأَنْزَلَ اللَّهُ عَلَيْكَ الْكِتَابَ وَالْحِكْمَةَ وَعَلَّمَكَ مَا لَمْ تَكُنْ تَعْلَمُ ۚ وَكَانَ فَضْلُ اللَّهِ عَلَيْكَ عَظِيمًا
At kung hindi lamang ang Biyaya ni Allah at Kanyang Habag ay nasa sa iyo (O Muhammad), may isang pangkat sa kanila ang katiyakang gagawa ng pasya upang ikaw ay ilihis, datapuwa’t (sa katotohanan), wala silang (ibang) iniligaw maliban sa kanilang sarili, at walang anumang kasahulan ang magagawa nila sa iyo kahit na katiting. Ipinanaog ni Allah sa iyo ang Aklat (ang Qur’an), at Al-Hikmah (Batas Islamiko, karunungan sa legal at di-legal na bagay, atbp.), at nagturo sa iyo ng hindi mo nalalaman. At Laging Dakila ang Biyaya ni Allah sa iyo (o Muhammad)

Choose other languages: