Quran Apps in many lanuages:

Surah An-Nisa Ayahs #116 Translated in Filipino

وَمَنْ يَكْسِبْ خَطِيئَةً أَوْ إِثْمًا ثُمَّ يَرْمِ بِهِ بَرِيئًا فَقَدِ احْتَمَلَ بُهْتَانًا وَإِثْمًا مُبِينًا
At sinuman ang umani ng kamalian o kasalanan at pagkatapos ay naghagis nito sa sinuman na walang muwang, katotohanang binigyan niya ang kanyang sarili ng dalahin ng kasinungalingan at ng maliwanag na kasalanan
وَلَوْلَا فَضْلُ اللَّهِ عَلَيْكَ وَرَحْمَتُهُ لَهَمَّتْ طَائِفَةٌ مِنْهُمْ أَنْ يُضِلُّوكَ وَمَا يُضِلُّونَ إِلَّا أَنْفُسَهُمْ ۖ وَمَا يَضُرُّونَكَ مِنْ شَيْءٍ ۚ وَأَنْزَلَ اللَّهُ عَلَيْكَ الْكِتَابَ وَالْحِكْمَةَ وَعَلَّمَكَ مَا لَمْ تَكُنْ تَعْلَمُ ۚ وَكَانَ فَضْلُ اللَّهِ عَلَيْكَ عَظِيمًا
At kung hindi lamang ang Biyaya ni Allah at Kanyang Habag ay nasa sa iyo (O Muhammad), may isang pangkat sa kanila ang katiyakang gagawa ng pasya upang ikaw ay ilihis, datapuwa’t (sa katotohanan), wala silang (ibang) iniligaw maliban sa kanilang sarili, at walang anumang kasahulan ang magagawa nila sa iyo kahit na katiting. Ipinanaog ni Allah sa iyo ang Aklat (ang Qur’an), at Al-Hikmah (Batas Islamiko, karunungan sa legal at di-legal na bagay, atbp.), at nagturo sa iyo ng hindi mo nalalaman. At Laging Dakila ang Biyaya ni Allah sa iyo (o Muhammad)
لَا خَيْرَ فِي كَثِيرٍ مِنْ نَجْوَاهُمْ إِلَّا مَنْ أَمَرَ بِصَدَقَةٍ أَوْ مَعْرُوفٍ أَوْ إِصْلَاحٍ بَيْنَ النَّاسِ ۚ وَمَنْ يَفْعَلْ ذَٰلِكَ ابْتِغَاءَ مَرْضَاتِ اللَّهِ فَسَوْفَ نُؤْتِيهِ أَجْرًا عَظِيمًا
walang anumang mabuti ang karamihan sa kanilang lihim na usapan, maliban sa kanya (sa lipon nila) na nag- uutos ng Sadaqah (kawanggawa sa Kapakanan ni Allah), o ng Ma’ruf (Kaisahan ng Diyos sa Islam, at lahat ng mabuti at matuwid na mga gawa na ipinag-utos ni Allah), o pakikipagkasundo sa pagitan ng mga tao, at siya na gumawa nito na naghahanap ng mabuting kasiyahan ni Allah, sa kanya ay Aming ipagkakaloob ang malaking gantimpala
وَمَنْ يُشَاقِقِ الرَّسُولَ مِنْ بَعْدِ مَا تَبَيَّنَ لَهُ الْهُدَىٰ وَيَتَّبِعْ غَيْرَ سَبِيلِ الْمُؤْمِنِينَ نُوَلِّهِ مَا تَوَلَّىٰ وَنُصْلِهِ جَهَنَّمَ ۖ وَسَاءَتْ مَصِيرًا
At sinuman ang sumalansang at tumutol sa Tagapagbalita (Muhammad) pagkaraan ang wastong landas ay maliwanag na ipinakita sa kanya at sumunod sa iba pa maliban sa landas ng mga sumasampalataya, siya ay Aming pananatilihin sa landas na kanyang pinili at siya ay susunugin sa Impiyerno; ah, isang masamang hantungan
إِنَّ اللَّهَ لَا يَغْفِرُ أَنْ يُشْرَكَ بِهِ وَيَغْفِرُ مَا دُونَ ذَٰلِكَ لِمَنْ يَشَاءُ ۚ وَمَنْ يُشْرِكْ بِاللَّهِ فَقَدْ ضَلَّ ضَلَالًا بَعِيدًا
Katotohanan! Si Allah ay hindi nagpapatawad (sa kasalanan) ng pagbibigay ng mga katambal kay Allah sa pagsamba (sa Kanya), datapuwa’t Siya ay nagpapatawad sa ibang mga kasalanan maliban pa rito sa sinumang Kanyang maibigan, at sinuman ang mag-akibat ng katambal sa pagsamba kay Allah ay katiyakang napaligaw nang malayo

Choose other languages: