Surah An-Nisa Ayahs #119 Translated in Filipino
وَمَنْ يُشَاقِقِ الرَّسُولَ مِنْ بَعْدِ مَا تَبَيَّنَ لَهُ الْهُدَىٰ وَيَتَّبِعْ غَيْرَ سَبِيلِ الْمُؤْمِنِينَ نُوَلِّهِ مَا تَوَلَّىٰ وَنُصْلِهِ جَهَنَّمَ ۖ وَسَاءَتْ مَصِيرًا
At sinuman ang sumalansang at tumutol sa Tagapagbalita (Muhammad) pagkaraan ang wastong landas ay maliwanag na ipinakita sa kanya at sumunod sa iba pa maliban sa landas ng mga sumasampalataya, siya ay Aming pananatilihin sa landas na kanyang pinili at siya ay susunugin sa Impiyerno; ah, isang masamang hantungan
إِنَّ اللَّهَ لَا يَغْفِرُ أَنْ يُشْرَكَ بِهِ وَيَغْفِرُ مَا دُونَ ذَٰلِكَ لِمَنْ يَشَاءُ ۚ وَمَنْ يُشْرِكْ بِاللَّهِ فَقَدْ ضَلَّ ضَلَالًا بَعِيدًا
Katotohanan! Si Allah ay hindi nagpapatawad (sa kasalanan) ng pagbibigay ng mga katambal kay Allah sa pagsamba (sa Kanya), datapuwa’t Siya ay nagpapatawad sa ibang mga kasalanan maliban pa rito sa sinumang Kanyang maibigan, at sinuman ang mag-akibat ng katambal sa pagsamba kay Allah ay katiyakang napaligaw nang malayo
إِنْ يَدْعُونَ مِنْ دُونِهِ إِلَّا إِنَاثًا وَإِنْ يَدْعُونَ إِلَّا شَيْطَانًا مَرِيدًا
Sila (na sumasamba sa iba maliban pa kay Allah) ay naninikluhod sa wala kundi sa mga babaeng diyus-diyosan bukod pa sa Kanya (Allah), at wala silang pinaninikluhuran maliban kay Satanas, isang nagpupumilit sa paghihimagsik
لَعَنَهُ اللَّهُ ۘ وَقَالَ لَأَتَّخِذَنَّ مِنْ عِبَادِكَ نَصِيبًا مَفْرُوضًا
SiAllahaysumumpasakanya.Atsiya(Satanas) aynagsabi: “Aking kakaunin ang natatakdaang bilang ng Inyong mga alipin
وَلَأُضِلَّنَّهُمْ وَلَأُمَنِّيَنَّهُمْ وَلَآمُرَنَّهُمْ فَلَيُبَتِّكُنَّ آذَانَ الْأَنْعَامِ وَلَآمُرَنَّهُمْ فَلَيُغَيِّرُنَّ خَلْقَ اللَّهِ ۚ وَمَنْ يَتَّخِذِ الشَّيْطَانَ وَلِيًّا مِنْ دُونِ اللَّهِ فَقَدْ خَسِرَ خُسْرَانًا مُبِينًا
Katotohanang sila ay aking ililihis, at katiyakang aking pag-aalabin sa kanila ang huwad na pagnanasa; at katiyakang aking ipag-uutos na gilitan nila ang mga tainga ng bakahan, at katotohanang aking ipag-uutos na palitan nila ang kalikasan na nilikha ni Allah.” At sinuman ang tumangkilik kay Satanas bilang isang wali (tagapangalaga o kawaksi) sa halip ni Allah ay katiyakang nagdusa ng maliwanag na pagkalugi
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
