Surah An-Nisa Ayahs #122 Translated in Filipino
لَعَنَهُ اللَّهُ ۘ وَقَالَ لَأَتَّخِذَنَّ مِنْ عِبَادِكَ نَصِيبًا مَفْرُوضًا
SiAllahaysumumpasakanya.Atsiya(Satanas) aynagsabi: “Aking kakaunin ang natatakdaang bilang ng Inyong mga alipin
وَلَأُضِلَّنَّهُمْ وَلَأُمَنِّيَنَّهُمْ وَلَآمُرَنَّهُمْ فَلَيُبَتِّكُنَّ آذَانَ الْأَنْعَامِ وَلَآمُرَنَّهُمْ فَلَيُغَيِّرُنَّ خَلْقَ اللَّهِ ۚ وَمَنْ يَتَّخِذِ الشَّيْطَانَ وَلِيًّا مِنْ دُونِ اللَّهِ فَقَدْ خَسِرَ خُسْرَانًا مُبِينًا
Katotohanang sila ay aking ililihis, at katiyakang aking pag-aalabin sa kanila ang huwad na pagnanasa; at katiyakang aking ipag-uutos na gilitan nila ang mga tainga ng bakahan, at katotohanang aking ipag-uutos na palitan nila ang kalikasan na nilikha ni Allah.” At sinuman ang tumangkilik kay Satanas bilang isang wali (tagapangalaga o kawaksi) sa halip ni Allah ay katiyakang nagdusa ng maliwanag na pagkalugi
يَعِدُهُمْ وَيُمَنِّيهِمْ ۖ وَمَا يَعِدُهُمُ الشَّيْطَانُ إِلَّا غُرُورًا
Siya (Satanas) ay gumawa sa kanila ng mga pangako, at pinag-aalab niya sa kanila ang huwad na pagnanasa; at ang mga pangako ni Satanas ay wala ng iba kundi mga pandaraya
أُولَٰئِكَ مَأْوَاهُمْ جَهَنَّمُ وَلَا يَجِدُونَ عَنْهَا مَحِيصًا
Ang tirahan ng mga gayong (tao) ay Impiyerno, at sila ay hindi makakatagpo ng daan upang makatakas dito
وَالَّذِينَ آمَنُوا وَعَمِلُوا الصَّالِحَاتِ سَنُدْخِلُهُمْ جَنَّاتٍ تَجْرِي مِنْ تَحْتِهَا الْأَنْهَارُ خَالِدِينَ فِيهَا أَبَدًا ۖ وَعْدَ اللَّهِ حَقًّا ۚ وَمَنْ أَصْدَقُ مِنَ اللَّهِ قِيلًا
Datapuwa’t ang mga sumasampalataya (sa Kaisahan ni Allah) at gumagawa ng kabutihan, sila ay Aming tatanggapin sa Halamanan na sa ilalim nito ay may mga ilog na nagsisidaloy (Paraiso) upang manahan dito magpakailanman. Ang pangako ni Allah ay Katotohanan, at kanino pa kayang Salita ang higit na makatotohanan maliban kay Allah? (Tunay ngang wala ng iba)
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
