Quran Apps in many lanuages:

Surah An-Nisa Ayahs #121 Translated in Filipino

إِنْ يَدْعُونَ مِنْ دُونِهِ إِلَّا إِنَاثًا وَإِنْ يَدْعُونَ إِلَّا شَيْطَانًا مَرِيدًا
Sila (na sumasamba sa iba maliban pa kay Allah) ay naninikluhod sa wala kundi sa mga babaeng diyus-diyosan bukod pa sa Kanya (Allah), at wala silang pinaninikluhuran maliban kay Satanas, isang nagpupumilit sa paghihimagsik
لَعَنَهُ اللَّهُ ۘ وَقَالَ لَأَتَّخِذَنَّ مِنْ عِبَادِكَ نَصِيبًا مَفْرُوضًا
SiAllahaysumumpasakanya.Atsiya(Satanas) aynagsabi: “Aking kakaunin ang natatakdaang bilang ng Inyong mga alipin
وَلَأُضِلَّنَّهُمْ وَلَأُمَنِّيَنَّهُمْ وَلَآمُرَنَّهُمْ فَلَيُبَتِّكُنَّ آذَانَ الْأَنْعَامِ وَلَآمُرَنَّهُمْ فَلَيُغَيِّرُنَّ خَلْقَ اللَّهِ ۚ وَمَنْ يَتَّخِذِ الشَّيْطَانَ وَلِيًّا مِنْ دُونِ اللَّهِ فَقَدْ خَسِرَ خُسْرَانًا مُبِينًا
Katotohanang sila ay aking ililihis, at katiyakang aking pag-aalabin sa kanila ang huwad na pagnanasa; at katiyakang aking ipag-uutos na gilitan nila ang mga tainga ng bakahan, at katotohanang aking ipag-uutos na palitan nila ang kalikasan na nilikha ni Allah.” At sinuman ang tumangkilik kay Satanas bilang isang wali (tagapangalaga o kawaksi) sa halip ni Allah ay katiyakang nagdusa ng maliwanag na pagkalugi
يَعِدُهُمْ وَيُمَنِّيهِمْ ۖ وَمَا يَعِدُهُمُ الشَّيْطَانُ إِلَّا غُرُورًا
Siya (Satanas) ay gumawa sa kanila ng mga pangako, at pinag-aalab niya sa kanila ang huwad na pagnanasa; at ang mga pangako ni Satanas ay wala ng iba kundi mga pandaraya
أُولَٰئِكَ مَأْوَاهُمْ جَهَنَّمُ وَلَا يَجِدُونَ عَنْهَا مَحِيصًا
Ang tirahan ng mga gayong (tao) ay Impiyerno, at sila ay hindi makakatagpo ng daan upang makatakas dito

Choose other languages: