Quran Apps in many lanuages:

Surah An-Nahl Ayahs #40 Translated in Filipino

وَلَقَدْ بَعَثْنَا فِي كُلِّ أُمَّةٍ رَسُولًا أَنِ اعْبُدُوا اللَّهَ وَاجْتَنِبُوا الطَّاغُوتَ ۖ فَمِنْهُمْ مَنْ هَدَى اللَّهُ وَمِنْهُمْ مَنْ حَقَّتْ عَلَيْهِ الضَّلَالَةُ ۚ فَسِيرُوا فِي الْأَرْضِ فَانْظُرُوا كَيْفَ كَانَ عَاقِبَةُ الْمُكَذِّبِينَ
At katotohanang Kami ay nagsugo sa bawat Ummah (bansa o pamayanan) ng isang Tagapagbalita (na nagpapahayag): “Sambahin lamang si Allah at iwasan (o layuan) ang lahat ng Taghut (lahat ng mga diyus-diyosan at iba pang mali na sinasamba, atbp., alalaong baga, huwag nang sumamba pa sa iba maliban kay Allah).” At ang ilan sa kanila ay ginabayan ni Allah, at ang ilan sa kanila ay iniligaw ng may kadahilanan (o katarungan). Kaya’t magsipaglakbay kayo sa kalupaan at malasin kung ano ang kinahinatnan ng mga nagtatakwil (sa Katotohanan)
إِنْ تَحْرِصْ عَلَىٰ هُدَاهُمْ فَإِنَّ اللَّهَ لَا يَهْدِي مَنْ يُضِلُّ ۖ وَمَا لَهُمْ مِنْ نَاصِرِينَ
Kung ikaw (O Muhammad) ay naghahangad sa kanilang patnubay, kung gayon, katotohanang si Allah ay hindi namamatnubay sa sinumang nais Niyang mapaligaw (o walang sinuman ang makakapamatnubay sa kanya na binayaan ni Allah na maligaw). At sila ay walang magiging kawaksi
وَأَقْسَمُوا بِاللَّهِ جَهْدَ أَيْمَانِهِمْ ۙ لَا يَبْعَثُ اللَّهُ مَنْ يَمُوتُ ۚ بَلَىٰ وَعْدًا عَلَيْهِ حَقًّا وَلَٰكِنَّ أَكْثَرَ النَّاسِ لَا يَعْلَمُونَ
At sila ay nanunumpa kay Allah sa pamamagitan ng kanilang matitinding sumpa, na si Allah ay hindi makakapagpabangon sa kanya na namatay na. Tunay nga, (Kanyang ibabangon sila), - isang pangako sa katotohanan (na marapat) Niyang tuparin, datapuwa’t ang karamihan sa mga tao ay hindi nakakaalam
لِيُبَيِّنَ لَهُمُ الَّذِي يَخْتَلِفُونَ فِيهِ وَلِيَعْلَمَ الَّذِينَ كَفَرُوا أَنَّهُمْ كَانُوا كَاذِبِينَ
Upang Kanyang magawang maliwanag sa kanila ang katotohanan na kanilang pinagkakahidwaan, at upang sila na hindi nananampalataya (sa Muling Pagkabuhay at sa Kaisahan ni Allah) ay makakaalam na sila ay mga sinungaling
إِنَّمَا قَوْلُنَا لِشَيْءٍ إِذَا أَرَدْنَاهُ أَنْ نَقُولَ لَهُ كُنْ فَيَكُونُ
Katotohanan! Ang Aming Salita, kung Kami ay magnais ng isang bagay, (ito) lamang ang Aming wiwikain: “Mangyari nga!” At ito ay magaganap

Choose other languages: