Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Maeda Ayahs #100 Translated in Filipino

أُحِلَّ لَكُمْ صَيْدُ الْبَحْرِ وَطَعَامُهُ مَتَاعًا لَكُمْ وَلِلسَّيَّارَةِ ۖ وَحُرِّمَ عَلَيْكُمْ صَيْدُ الْبَرِّ مَا دُمْتُمْ حُرُمًا ۗ وَاتَّقُوا اللَّهَ الَّذِي إِلَيْهِ تُحْشَرُونَ
Pinahihintulutan sa inyo (ang paghahanap o panghuhuli) ng mga hayop (o pagkaing dagat) sa tubig at ang gamit nito bilang pagkain, – para sa kapakinabangan ng inyong sarili at ng mga naglalakbay, datapuwa’t ipinagbabawal (ang paghahanap o pangangaso) ng hayop sa katihan habang kayo ay nasa kalagayan ng Ihram (kasuutan ng Hajj at Umra). At (inyong) pangambahan si Allah, kayo sa Kanya ay muling titipunin
جَعَلَ اللَّهُ الْكَعْبَةَ الْبَيْتَ الْحَرَامَ قِيَامًا لِلنَّاسِ وَالشَّهْرَ الْحَرَامَ وَالْهَدْيَ وَالْقَلَائِدَ ۚ ذَٰلِكَ لِتَعْلَمُوا أَنَّ اللَّهَ يَعْلَمُ مَا فِي السَّمَاوَاتِ وَمَا فِي الْأَرْضِ وَأَنَّ اللَّهَ بِكُلِّ شَيْءٍ عَلِيمٌ
Si Allah ang gumawa ng Ka’ba, ang Sagradong Tahanan, bilang isang Kalinga (o kanlungan) ng kapanatagan at ng Hajj at Umra (Pilgrimahe) para sa sangkatauhan, at gayundin ng mga Sagradong Buwan at ng mga hayop na pang-alay (pangsakripisyo) at sa mga koronang bulaklak na nagbibigay tanda sa kanila (sa tao man at sa hayop), upang inyong maalaman na si Allah ay may karunungan kung ano ang nasa kalangitan at kung ano ang nasa kalupaan, at si Allah ay Ganap na Nakakaalam ng bawat isa at lahat ng bagay
اعْلَمُوا أَنَّ اللَّهَ شَدِيدُ الْعِقَابِ وَأَنَّ اللَّهَ غَفُورٌ رَحِيمٌ
Inyong maalaman na si Allah ay mahigpit sa kaparusahan at si Allah ay Lagi nang Nagpapatawad, ang Pinakamaawain
مَا عَلَى الرَّسُولِ إِلَّا الْبَلَاغُ ۗ وَاللَّهُ يَعْلَمُ مَا تُبْدُونَ وَمَا تَكْتُمُونَ
Ang katungkulan ng Tagapagbalita (alalaong baga, ang Aming Tagapagbalitang si Muhammad na Aming isinugo sa inyo [O Sangkatauhan]), ay upang maiparating lamang (ang Kapahayagan). At si Allah ang nakakaalam ng lahat ng inyong inilalantad at lahat ng inyong inililingid
قُلْ لَا يَسْتَوِي الْخَبِيثُ وَالطَّيِّبُ وَلَوْ أَعْجَبَكَ كَثْرَةُ الْخَبِيثِ ۚ فَاتَّقُوا اللَّهَ يَا أُولِي الْأَلْبَابِ لَعَلَّكُمْ تُفْلِحُونَ
Ipagbadya (O Muhammad): “Hindi magkatulad ang Al-Khabaith (ang lahat ng masama hinggil sa lahat ng mga bagay, gawa, paniniwala, tao, pagkain, atbp.) at At-Tayyib (ang lahat ng mabuti hinggil sa lahat ng mga bagay, gawa, paniniwala, tao, pagkain, atbp.), kahima’t ang karamihan ng kasamaan ay makaganyak sa inyo.” Kaya’t lubos ninyong pangambahan si Allah (umiwas sa lahat ng uri ng kasalanan at kasamaan na Kanyang ipinagbawal) at lubos ninyong mahalin si Allah (magsagawa ng lahat ng uri ng kabutihan na Kanyang ipinag-utos), O kayong mga tao na may pang- unawa upang kayo ay magsipagtagumpay

Choose other languages: