Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Maeda Ayahs #102 Translated in Filipino

اعْلَمُوا أَنَّ اللَّهَ شَدِيدُ الْعِقَابِ وَأَنَّ اللَّهَ غَفُورٌ رَحِيمٌ
Inyong maalaman na si Allah ay mahigpit sa kaparusahan at si Allah ay Lagi nang Nagpapatawad, ang Pinakamaawain
مَا عَلَى الرَّسُولِ إِلَّا الْبَلَاغُ ۗ وَاللَّهُ يَعْلَمُ مَا تُبْدُونَ وَمَا تَكْتُمُونَ
Ang katungkulan ng Tagapagbalita (alalaong baga, ang Aming Tagapagbalitang si Muhammad na Aming isinugo sa inyo [O Sangkatauhan]), ay upang maiparating lamang (ang Kapahayagan). At si Allah ang nakakaalam ng lahat ng inyong inilalantad at lahat ng inyong inililingid
قُلْ لَا يَسْتَوِي الْخَبِيثُ وَالطَّيِّبُ وَلَوْ أَعْجَبَكَ كَثْرَةُ الْخَبِيثِ ۚ فَاتَّقُوا اللَّهَ يَا أُولِي الْأَلْبَابِ لَعَلَّكُمْ تُفْلِحُونَ
Ipagbadya (O Muhammad): “Hindi magkatulad ang Al-Khabaith (ang lahat ng masama hinggil sa lahat ng mga bagay, gawa, paniniwala, tao, pagkain, atbp.) at At-Tayyib (ang lahat ng mabuti hinggil sa lahat ng mga bagay, gawa, paniniwala, tao, pagkain, atbp.), kahima’t ang karamihan ng kasamaan ay makaganyak sa inyo.” Kaya’t lubos ninyong pangambahan si Allah (umiwas sa lahat ng uri ng kasalanan at kasamaan na Kanyang ipinagbawal) at lubos ninyong mahalin si Allah (magsagawa ng lahat ng uri ng kabutihan na Kanyang ipinag-utos), O kayong mga tao na may pang- unawa upang kayo ay magsipagtagumpay
يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا لَا تَسْأَلُوا عَنْ أَشْيَاءَ إِنْ تُبْدَ لَكُمْ تَسُؤْكُمْ وَإِنْ تَسْأَلُوا عَنْهَا حِينَ يُنَزَّلُ الْقُرْآنُ تُبْدَ لَكُمْ عَفَا اللَّهُ عَنْهَا ۗ وَاللَّهُ غَفُورٌ حَلِيمٌ
O kayong nagsisisampalataya! Huwag kayong magtanong sa mga bagay na kung gawin na maliwanag sa inyo ay magbibigay sa inyo ng kaguluhan. Datapuwa’t kung kayo ay magtatanong tungkol dito habang ang Qur’an ay ipinahahayag, ito ay gagawin na maging maliwanag sa inyo. Si Allah ang nagpatawad sa mga ito, at si Allah ay Lagi nang Nagpapatawad, ang Pinakamapagpaumanhin
قَدْ سَأَلَهَا قَوْمٌ مِنْ قَبْلِكُمْ ثُمَّ أَصْبَحُوا بِهَا كَافِرِينَ
Noong una pa sa inyo, isang pamayanan ang nagtanong ng gayong mga tanong, at dahilan sa gayong pangyayari, sila ay naging hindi mananampalataya

Choose other languages: